Chapter 1
Lahat tayo nangangarap. Lahat tayo umaasa... At lahat tayo may sariling "Sana".
"Ma, dali! Late na tayo!"
Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng shoulder bag. Nakasakay na kami ng tricycle papunta sa bago kong school for Senior High.
Bakit ba naman kasi nagkaroon pa ng K-12?! E'di sana... College na ako ngayon.
Nagtipa ako ng mensahe kay Seline saka ibinalik ang cellphone sa shoulder bag na aking dala.
Tumigil sa bagong school na aking papasukan ang tricycle na aming sinasakyan. Pagkababang-pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong inayos ang suot kong dress.
I was wearing above the knee floral dress na pinatungan ko ng maong na jacket and para naman sa aking paa, a simple doll shoes.
After magbayad ni Mama ng pamasahe, nagsimula na kaming maglakad patungo sa gym kung saan ginaganap ang program na aming dadaluhan. Kahit na nagmamadali, hindi ko maiwasang igala ang aking mga mata.
Noon, isa ang school na ito sa mga paaralan na gusto kong pasukan at ngayon, heto ako. Enrolled na.
Malawak ito at may dalawang malaking building. Sa una, hindi mo aakalaing dalawa dahil magkarugtong ang mga ito. Kapag sa unang gate ka dumaan, sa building ng mga college ka mapapapunta. May limang palapag ang college building kaya talagang malawak.
Kapag sa second gate ka naman dumaan, building ng elementary at highschool ang iyong madadaanan. Ngunit halos lahat naman ay sa first gate nadaan dahil kalimitan, sa college building ka papapuntahin lalo na kapag may hinahanap or kailangan kang gawin.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone sa loob ng bag. Kinuha ko ito at nakitang reply ni Seline ang aking natanggap.
Seline:
Uy, asan ka na?Ako:
Teka malapit na!Pagkapindot ko ng send, ilang segundo lang ang lumipas at nakatanggap muli ako ng text galing sa kanya.
Seline:
Dalian mo! Nag-ii-start na.Ako:
Papasok na kami ng gym. Asan na kayo?Seline:
Dito kami sa may bleachers. Sa gilid."Ate, mag sign ka muna roon," kalabit sa'kin ni Mama sabay turo doon sa long table na nasa gilid ng entrance at may nakasulat na registrar.
Si Mama talaga!
Pumunta ako roon sa registration. Pagkatapos kong mag sign in, agad kong hinanap kung nasaan sina Seline. Nang makita kung saang pwesto sila nakaupo, agad akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Nakasunod naman sa akin si Mama.
"Dito ka na dali!" bungad sa 'kin ni Seline pagkalapit namin sa bleachers na kanilang inuupuan. "Hi po!" bati nito kay Mama na sinabayan pa niya ng kaway at ngiti.
Tumango at ngumiti naman si Mama sa kanya.
"Kanina pa kayo?" tanong ng aking ina rito.
"Medyo po!" nakangiting sagot ni Seline.
"Nasaan ang nanay mo?" tanong muli ni Mama.
"Nasa kabilang bleacher po!" sabay turo nito sa katapat naming bleacher.
Umayos ako ng upo upang mas lalong maintindihan ang sinasabi ng speaker na nasa stage. Itong si Seline naman, dumaldal na nang dumaldal. Napagalitan tuloy siya ng isang parents kaya nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Fiksi RemajaBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...