Chapter 42
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Wala sa sariling napatayo ako.
"Jayda!" tawag niya at mabilis na hinawakan ang kamay ko para mapigilan.
Sumasakit ang puso ko na tila ba tinutusok ito sa bawat pagbanggit niya sa pangalan ni Jayda.
Tulala akong tumingin sa kanya. Iyon na naman ang mapupungay at nagmamakaawa niyang mga mata.
"Please... bumalik ka na sa 'kin..." pakiusap niya.
Mas nanikip ang dibdib ko. Hindi kinakayang makita siyang ganito.
"Khyler, lasing ka na!" nahihirapan kong wika.
He shook his head. "Please!" muling paki-usap niya.
Naramdaman ko ang noo niyang dumikit sa aking braso habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko. Lumamlam ang mga matang kong nakatingin sa kanya. Nanghihina man, ngunit kailangan ko itong gawin. Huminga ako ng isang beses at pahablot na kinuha ang kamay kong hawak niya.
Napatunghay siya at gulat na tumingin sa akin.
"Khyler, hindi ako si Jayda!" tinapangan ko ang sarili para ipaintindi sa kanya iyon kahit na dinudurog ang puso ko habang sinasabi sa kanya.
I crouched a bit so he could stare closely at my face. So he could realize that I'm not his ex. Kahit pa sa loob-loob ko'y nanghihina na ako.
His forehead creased. Tila ba hindi naiintindihan kung ano ang aking sinabi.
"Khyler, hindi ako si Jayda. Hindi ako ang ex mo," paliwanag ko sa dahan-dahan na tono. "Ako 'to, si Mapple. Hindi si Jayda," I said and gave him a small smile.
Mahina siyang tumawa na tila ba isang kalokohan ang sinasabi ko. Nang marinig iyon, agad na bumagsak ang balikat ko at nakaramdam ng hiya. Nang awa sa sarili. Para akong nagmamakaawa sa kanya na maalala niya.
"Halika na. Ihahatid na lang kita sa dorm," ani ko at hinila siya patayo.
"No." matigas niyang pagtanggi.
Imbes na siya ang mahigit ko, ako pa ngayon ang nahigit niya paupong muli.
"Khyler ano ba? Ihahatid na kita!" tumaas ang tono ko sa gulat sa ginawa niya.
Hindi niya 'ko pinansin at mas lalong lumapit sa akin. Mas humigpit ang kanyang hawak.
I took a deep breath. Kaunti na lang talaga at mawawalan na 'ko ng pasensya sa kanya.
"Khyler c'mon... bumalik na tayo sa dorm," subok ko ulit.
Hihilahin ko na sana siya patayo ngunit mabilis niya 'kong niyakap mula sa likod. I stiffened and my heart pounded.
Kinilabutan ako nang makita ang braso niyang nakapulupot sa akin. Tulala ko iyong tinititigan habang mas nararamdaman ang higpit ng yakap niya. Para bang ayaw niya 'kong pakawalan na kahit na anong pilit kong pagkalas, hinding-hindi ito mapipigtas.
"Khyler!" tawag ko nang makabawi.
"Hm..." he whispered.
He rested his head on my shoulder that sent shiver down to my spine. Gusto kong kiligin pero hindi ko magawa.
"Give me three minutes. No. Five minutes. Just five fucking minutes, please..." he pleaded in a hoarse voice as he tightened his grip on me. "Let me hug you like this. Para kahit papaano.... maramdaman ko ulit na mahal mo 'ko," bulong niya bago ko naramdaman ang mahinahon niyang paghinga.
"Khyler!" yugyog ko rito ngunit wala na 'kong nakuhang kahit na anong sagot mula sa kanya.
Ang sarap sa pakiramdam na ganito tayo, Khyler. I smiled at myself bitterly and sighed.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Teen FictionBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...