Chapter 16
Nagising ako sa masarap na pagkakatulog nang marinig ang malakas na katok sa pinto ng aking kwarto.
I was still on my bed and my eyes was still closed. Kainis naman oh! Minsan na nga lang makatulog ng mahimbing tapos may mambubulabog pa.
Muli kong narinig ang pagkatok sa pinto ng kung sino.
"Apple, bumangon ka na dyan. Anong oras na oh! Kanina pa lagpas ang umagahan kaya bumangon ka na," boses ni Mama iyon.
"Opo, teka lang!" I replied. Nanatiling pikit ang mata.
"Sige, dalian mo," wika ng aking ina.
Mukhhang umalis na ito pagkatapos sabihin iyon. Si Mama talaga!
Ang sabi ko, teka lang. Kaya matutulog muna ulit ako. Niyakap ko ulit ang aking unan.
Hays, ang sarap ng buhay!
Sa pangatlong pagkakataon, nakarinig muli ako ng katok.
"Apple ano ba? Magtatanghalian na hindi ka pa nabangon. Hindi ka pa nakain ng umagahan. Bumangon ka na nga riyan," malakas at medyo galit na sabi ni Mama habang kumakatok pa rin.
Ugh! Ano ba 'yan.
Ang sarap-sarap na ulit ng tulog ko e. Kainis naman. Nandoon na e. Nandoon na tapos bigla na naman akong gigisingin. Nakakainis!
"Apple ano ba?! Gusto mo pa bang Papa mo ang kumatok at tumawag sa'yo?" inis na sabi ni Mama.
"Opo lalabas na po!" inis din na sagot ko.
"Dalian mo ha. 'Paghindi ka pa lumabas dyan sa kwarto mo after five minutes, Papa mo na ang pupunta dyan," wika nito at tuluyang ko ng narinig ang tsinelas nitong papalayo.
Agad akong napabangon at nagmulat ng mata. Nanlaki ang mata ko nang maisip si Papa.
Naku naman. Ayoko. Nakakatakot pa naman si Papa.
Naalala ko na naman ang naudlot kong panaginip. Muli akong nakaramdam ng pagkainis. I touched my hair and ruffled it habang mangiyak-ngiyak na nagpapapadyak sa kama.
"Apple!" narinig kong tawag sa 'kin ng malaking boses na nanggagaling sa may sala.
Natigil ako sa pagmamaktol. Parang pamilyar 'yon ah. Muling nanlaki ang aking mga mata nang napagtanto kung kaninong boses iyon.
Kay Papa. Lagot na!
I immediately stood up from my bed at inayos ang magulong kama.
"Naku si Papa!" natataranta kong sabi habang hindi na malaman kung anong sunod na gagawin.
Naririnig ko na ang mga yabag ng paa ni Papa na alam kong papunta na sa kwarto ko. Nagmadali akong magpunta sa pinto at kinakabahan na buksan ito. Lumabas agad ako at dire-diretsong nagtungo sa sala. Bago pa man ako tuluyang makapunta ng sala, nakasalubong ko na agad si Papa. Humugot ako ng malalim na hininga bago ito pinakawalan.
"G-Good morning Papa," nakangiti ngunit kinakabahang kong bati sa aking ama.
Ngumiti ito sa akin.
"Ano bang ginagawa mo sa iyong kwarto? Kanina ka pa raw ginigising ng iyong Mama, sumasagot ka lang ng 'Oo' ngunit hindi ka naman lumalabas. Ang akala ko'y gusto mo pa na ako ang magtawag sa iyo upang kumain ng tanghalian," mahaba nitong litanya.
My eyes widened. "Ha?! Tanghali na? Ang akala ko'y umaga pa lang," ani ko. Hindi makapaniwala.
"Hoy, Ate! Anong akala mo... umaga pa't umaga. Tanghali na, uy! 'Yan nga oh, sikat na sikat na ang araw. Mainit na," sabat ng kapatid ko na naglalakad patungo sa kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...