Chapter 40
Hindi ko inaasahan na ganoon kalayo iyon. Sana pala, sinama ko na silang tatlo para makapaggala na rin kami.
Lagi talagang nasa huli ang pagsisisi.
"Kuya, sa The Aristocrat Restaurant po," ani ko kay Kuya'ng driver ng jeep.
Tumango ito at iniabot sa akin ang sukli. Ilang minuto pa't tanaw ko na ang malaking pangalan at iniilawan na The Aristocrat Restaurant.
"Kuya, para po!"
Mabilis na huminto ang jeep sa tapat noong restaurant na tinutukoy ko at mabilis akong bumaba ako. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto pa akong nanatili at nakatitg sa harapan ng restaurant.
Labas pa lang, maganda na.
Sa tagal na namin na naglilibot-libot dito. Bakit hindi ko alam ang restaurant na 'to? Mukhang masarap pa naman ang mga pagkain nila rito. Sa susunod, maaya nga sina Gayle.
Tumawid ako dahil sa kabilang bahagi ito nakatayo. I went inside and a host greeted me.
"Good Evening! Welcome to The Aristocrat Restaurant!" she said politely. "Do you have any reservation Ma'am?" the girl host asked with wide smile.
I shook my head at her, a bit shy. Poutek! Dapat talaga ay sinama ko sina Seline.
Nakakahiya!
She then nodded.
"This way, Ma'am!" aniya at iginiya ako sa isang bakanteng upuan. "For two?" she asked.
Tumango ako, nahihiya pa rin. Mabilis niya akong inihatid sa pangdalawahang upuan.
"Do you want to order na po or mamaya na la—"
"Uhm... Penge na lang po munang menu," putol ko sa sobrang kaba.
"Yes Ma'am! Kindly wait for a minute," aniya at mabilis na umalis.
Wala pang dalawang minuto, nakabalik na agad siya.
"This is our menu, Ma'am!" ngiti niya.
Nag-uumpisa na akong mamili ng pagkain nang tumunog iyong cellphone na isasauli ko. Kinuha ko iyon sa bag at sinagot.
"Hello!" mahina kong sabi.
"Uhm... I'm sorry but, are you here na ba?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Ah. Nandito na!" mabilis kong sagot.
"Ah, okay! Saan part ka?"
"Sa pangdalawahang table!" sinabi ko rin kung anong suot ko.
"Alright. Thank you!" huling sinabi nito bago ko narinig ang pag-end ng tawag.
"G-good Evening, Ma'am!" wika ng babaeng staff sa magalang ngunit mababakas sa boses nito ang kaba.
Napatingin ako sa bagong crew na nag a-assist sa akin dahil umalis na iyong host para bumati sa iba pang dumarating. Nakaharap iyong crew ngayon sa babaeng nakasuot ng black V bar off shoulder jumpsuit and black heels. Ito rin iyong suot niya kanina.
"Thank you!" Khyler's Ate smiled at the crew before she turned to me. I saw how her eyes distend a bit. She looks surpised.
"Wait! You're the girl earlier, right? Starbucks," sigurado ang tono niya.
Hindi ko alam kung nasaan na ba ang bibig ko. Hindi ako makapagsalita kaya tumango na lang.
"So, you're the one who found my phone and wallet?!" she asked excitedly.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...