SAN 27

339 10 0
                                    

Chapter 27

Unang semester ngayong Grade twelve, ang dami namin ginagawa.

Pagkatapos ng buwan ng Wika, balik na naman kami sa sankaterbang gawain.

Naalala ko pa na may mga araw na umuuwi lang kami sa mga bahay namin para kumain, matulog at maggawa ng assignments at activities na ipapasa agad kinabukasan. Iyong iba nga sa mga kaklase ko, hindi na umuuwi sa kanila. Nakikitulog na lang sa iba naming mga kaklase matapos lang ang mga gawain na ipinapagawa sa amin.

Sobrang higpit ng schedule namin that time. Ultimong pag-o-open ng aking mga social media account, hindi ko na magawa.

Ito siguro iyong sinasabi ng Papa noon.

Ang hirap pala talaga pero kailangan kayanin para sa grades.

Nandito rin 'yong hindi ko na nagagawang sumama kina Papa kapag may family bonding kami. Minsan, sila na lang ang nag-a-adjust at hindi muna itinutuloy ang pag-alis.

Sabay-sabay namin tiningnan ni Laurine, Seline ang nagawa na ni Gayle.

" 'Yan lang?" wika namin tatlo. Gulat na iyon pa lang ang nagagawa niya.

Wala pa sa one-fourth ang kanyang nagagawa. Tapos ay magpapahinga muna siya!

Ang lupit! Bukas na ang pasahan n'yan babae.

"Bahala ka dyan. Hindi ka namin tutulungan," si Laurine.

"Oo! Basta mamaya ko na 'yan gagawin. Tara munang maglaro?" anyaya niya.

"Puro ka laro Gayle. Kung ikaw ay naggawa na lamang," saway ko.

"Mamaya nga! Maglaro muna tayo," sagot niya agad.

"Bala ka dyan!" Sagot sa kanya ni Seline. Tutok na tutok ang paningin sa screen ng laptop.

"Ang k-kj n'yo!" Gayle said and pouted.

Hindi na namin s'ya pinansin ngunit dahil makulit siya at ayaw papatalo, napasali pa rin niya kaming tatlo sa truth or dare na laro niya sa kanyang cellphone.

"Ikaw na, Apple." wika niya. "Truth or dare?"

I stopped typing on my laptop at nag-isip ng isasagot kay Gayle. Kanina pa akong truth nang truth. Sige. Maiba naman. Magde-dare naman ako.

"Dare!"

Ngumisi siya at unti-unting bumaba ang paningin sa cellphone niya.

"The person in front of you, give him/her a permission to post or message anything she/he want to say in your social media account," basa ni Gayle sa dare na nakalagay.

My eyes widened. I looked at the person in front of me and saw the smirk plastered on Seline's lips.

Ngayon pa lang, nagsisisi na akong 'Dare' ang sinabi ko. Bakit ba hindi na lang ako nakuntento na mag Truth nang mag Truth.

"Game na!" Laurine said with excitement.

"Apple!" tawag ni Gayle sa akin. Halatang may hindi magandang gagawin.

"Apple, give me your laptop," si Seline na nakangisi.

"T-teka!" I stuttered. Sabay-sabay silang tumawa na tatlo.

Mukhang may balak na agad ang mga ito. At mukhang hindi ko ata iyon magugustuhan.

Bakit ba kasi sumali ako sa larong ito? Nakakainis!

Unti-unti kong iniaabot sa kanila ang aking laptop ngunit kapag ramdam kong mahahawakan na nila'y mabilis ko ulit na binabawi iyon.

"Hoy, Apple! Ang daya mo!" reklamo ni Seline sa'kin nang mapansin na wala akong balak na ibigay at ipagamit sa kanila ang aking laptop.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon