Hi! 🙋🏻♀️
Gusto ko lang pong sabihin na maraming salamat. Sa'yo. Oo, ikaw. Ikaw na nagtitiyagang, magbasa nito. Ikaw na nakaabot hanggang sa dulo ng story'ang aking ginawa. Dahil hindi ko po lubos maisip na may magbabasa nito. HAHAHA. Dahil sinulat ko s'ya ng mga panahon na ang dami kong kalokohan na naiisip.
Honestly, sobrang unexpected po talaga na may nagbabasa nito. I just posted this story kasi someone told me po na ipost ko s'ya and sobrang nakakataba po ng puso na makitang may nagbabasa ng story'ng ginawa mo. Nakakataba po ng puso na mabasa 'yong comments n'yo about this story.
Again, salamat sa'yo!
Salamat sa pagpapatuloy sa pagbabasa. Sa pagsuporta sa unang story na aking ginawa. I'm sorry if I decided to end this story like this. Pero ganoon talaga. Hindi lahat, nagkakatuluyan. Hindi lahat ng pinagtagpo, nakatadhana. At hindi porque mahal mo, mamahalin ka rin pabalik. ✌️😂
Sorry for all the typo and wrong grammar. And I admit, I'm not that good when it comes to writing but I'm trying my best po to improve myself in this field.
And after two years since I finished writing this story, I made up my mind and decided to write the Book 2. Entitled, 'Sana Ikaw Na Nga'.
So I hope patuloy n'yo pa rin pong samahan ang Barkada at si Mapple on her journey.
Again, Thank you so much for spending time reading this story. Hope to see you on my next story. God bless and take care! ❤️
-CelACs
End
Bumalik ako ng dorm building na umiiyak. Ngunit pagdating sa pinto ng aming mismong dorm, inayos ko ang sarili bago pumasok doon.
Naabutan kong gising pa ang apat kong kaibigan. Mga nakaupo sa isang kama at tinatahan ang umiiyak na si Gayle.
"Anong nangyari dyan?" pinipigilan ko ang sarili na umiyak nang itanong iyon.
"Ano..." umpisa ni Seline habang yakap si Gayle.
Tumingin si Seline kay Laurine at Pauoline na tila inuudyakan kung sino ang magsasalita.
"Ano?" pigil ang inis kong tanong.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanila kaya mas lalo akong nainis.
"Kaadwa!" hindi ko na napigilan na sabihin.
"May problema ka ba?" tanong ni Seline sa akin.
Nagulat ako sa tanong niya.
Halata bang umiyak ako?
"Wala!" mataray kong sagot.
"Wala talaga?!" mapanuri ang kanyang mata. "Teka nga lang..." tila ba may biglang siyang naalala. "Ano iyong eksena kanina?" tanong niya, ngayon, nang-aasar na.
"Ha? Sinasabi mo?" kunot noo kong tanong. Nagkukunwaring hindi alam ang kanyang sinasabi.
"Sinasabeee mooo..." Si Laurine iyon gamit ang pang-asar na tono.
Umirap ako. Kahit na alam ko kung ano ang tinutukoy nila, ayokong pag-usapan ang bagay na iyon. Fresh na fresh pa ang lahat sa akin. At hindi ko pa iyon kayang sabihin.
"Hay nako! Puro kasi kayo mga lovelife. 'Yan! Kaya ganyan kayo ngayon," ngiwi ni Seline at tila ba nanenermon.
Napairap ako.
"Wow ha!" sarkastikong boses ni Laurine.
"At bakit?" nanlalaki ang mga mata ni Seline kay Laurine.
![](https://img.wattpad.com/cover/142635884-288-k951858.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Teen FictionBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...