SAN 37

350 11 2
                                    

Chapter 37

Time passes so fast. Second year college kami nang mapansin ko ang pagbabago ng bawat isa sa amin. Luckily, in a good way naman, not in a bad way.

Mas naging responsible kami sa mga gawain. Nata-try ko na rin ngayon na makapagconcentrate sa pag-aaral. Mas naging seryoso ako sa scores at grades na nakukuha ko. Na kapag may exam... kulang na lang, hindi matulog makapasa lang kinabukasan.

Nandito rin 'yong sabay-sabay kaming nag-aaral na apat. Iyong tipong away-away muna sa mga oras na ganoon dahil bawal maabala. Pero s'yempre, kahit na ano pang sabihin mo... kapag kasama talaga ang barkada, hindi mawawala na minsan nakakaisip ang isa ng kalokahan at sa huli'y sinasakyan o sinasabayan ng lahat.

Hindi ko inaakala na magiging ganito ang buhay ko sa kolehiyo. Never ko rin naimagine na makakasama ko sila.

Ang akala ko noon, hanggang Senior High lang ang samahan na binuo namin ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin itong matatag.

Maraming natutuwa at naiingit sa samahan na mayroon kaming apat. Ang hindi nila alam, we also experiences the ups and down.

Nandoon iyong nagkakagalit-galit kami kasi walang nagkukusa. Minsan, nagkakasagutan sa kung ano iyong nagawa noong isa. Minsan naman, nagkakapikunan dahil sa asaran. At ang pinakamalala na na-experience namin ay iyong hindi nag-usap ng isang buwan dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Mahirap. Kahit pa hindi ako ganoon ka-open sa mga opinion ko... pagdating sa kanila, palaimik ako. Luka ako. Kaya sobrang hirap ng nangyaring iyon sa amin. Na kahit gusto kong magtanong sa kanila, hindi ko magawa. Kasi nga... hindi kami ayos.

One time, umuwi ako ng dorm na masaya at tuwang-tuwa. Excited akong ikwento iyon sa kanina. Ang kaso, pagpasok ko ng mismong dorm namin, naalala kong hindi nga pala kami okay.

Ang tuwang aking nararamdaman ay napalitan nang pagkadismaya ng mga panahong iyon.

Naalala ko pa, na sa sobrang tataas ng pride namin... wala ni-isa sa apmin ang naunang magkusa. Ultimong si Seline na hindi sanay sa ganito, natiis kami.

Lahat naman kami, may kasalanan kaya tanggap kong walang mauunang magbaba ng pride. Kaya ko naman ang ganito dahil sanay akong mag-isa. Pero s'yempre, dahil mga kaibigan ko sila... nag-aalala ako na baka katulad ng iba, unti-unti na rin na mawala ang samahan na mayroon kami. At ayokong mangyari ang bagay na iyon! Dahil sila ang maituturing kong mga kapatid na nandyan para sa akin.

Nagsimula iyon sa isang asaran, nagkapikunan at sa huli, nagsisihan ng mga nagawa at naglabasan ng mga kinimkim na sama ng loob sa isa't-isa. At ang tampuhan na iyon ang nagpatatag pa lalo sa aming samahan.

Natatawa na lang kami at ginagawang biro tuwing naaalala namin iyon. Katatapos lang namin maghapunan at nakapalibot pa rin kami ngayon sa rectangular na table rito sa gitnang bahagi ng aming dorm.

"Sino nga ulit ang unang nag-approach noon?" asar ni Laurine habang tumitingin kay Seline.

Sinamaan at sinimangutan naman siya nito.

"Si Seline!" sabi ko at mahinang natawa.

"Eiihhh!" kantyaw ni Laurine rito.

"Nakakayamot!" wika ni Seline kay Laurine, umirap pa siya ngunit may ngisi naman sa labi dahilan ng tawanan naming apat.

Umiling ako. Si Seline pa rin ang unang hindi nakatiis sa amin. Gabi na noon at pare-parehas kaming abala sa ginagawa school works. Halos ang lahat, nakaharap sa kani-kanilang laptop o 'di kaya naman, nagsusulat.

Problemadong buntong hininga ang pinakawalan ni Seline.

"Hays!" aniya. "Laurine, paano nga 'to? Tulungan mo 'ko!" problemadong paki-usap niya.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon