Chapter 17
I clicked that notification. I typed 'Happy Birthday!' to greet them but I stopped when I'm already on Khyler's name. I suddenly felt nervous and I don't know why?Naisip kong huwag na lang s'yang batiin tutal 'di naman n'ya 'ko kilala.
I scrolled down on news feed while reading some post nang bigla kong naisip na tingnan kung sinu-sino ang mga online. To my surprise, online si Seline. Bago ko pa ma-click ang name niya para magmessage, bigla akong na-curious kung online rin ba si Axl. I searched his name at biglang nagdiwang ang puso ko nang makita ang maliit na bilog na kulay berde sa gilid ng kanyang pangalan.
Online s'ya!
My eyes widened when I accidentally clicked his name. Mabilis akong nataranta at bahagyang nanginig ang kamay, hindi malaman ang dapat gawin.
I closed my eyes and took a deep breath at nang magmumulat na, naramdaman kong may unan na tumama sa akin.
"Ay pusa!" gulat kong sigaw. Nabitawan ko rin ang hawak na cellphone.
Pinulot ko iyon. Nakataas ang isang kilay at nakapameywang akong tumayo sa harap ng aking walangyang kapatid.
"Problema mo?" mataray kong tanong.
"Lumayas ka nga dyan sa harap ko, Ate. Kita nang nanonood e," seryosong sabi nito habang nakasilip pa rin sa TV at hinahawi ang katawan ko.
Hindi ako natinag sa paghawi n'ya. Hinampas ko ang balikat niya kaya napakatingin s'ya sa 'kin, nakakunot ang noo. Magsasalita na sana s'ya nang unahan ko.
"Ba't ka ba nambabato ng unan? Ha?!" inis at mataray kong aniya.
"Para ka kaseng engot dyan," sagot nito at nginuso ang inuupuan ko kanina. "Ngumingiti tapos manlalaki mga mata. Tapos pipikit tapos... hihinga ng malalim. Ano sa tingin mo? Para ka kayang baliw kanina!" wika nito habang dinedemo.
"Anong pakialam mo? Kung gusto mo, gumaya ka rin," sagot ko at pipingutin na sana s'ya nang bigla itong magsalita.
"Mama si Ate, oh! May ka-chat tapos kinikilig pa..." sumbong nito kay Mama.
Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan si Mama. Tumingin ito sa akin nang nakangiti at nagpapahiwatig ng 'ikaw-ah-may-hindi-ka-kinukwento-sakin'. Mabilis naman akong umiling. Tumawa si Mama sa naging reaksyon ko at ibinalik lang ang paningin sa television.
Akala ko'y okay na subalit ganoon na lang ang gulat ko nang biglang magsalita si Papa.
"May nanliligaw na sa'yo?" seryosong tanong nito habang ang paningin, nasa television pa rin.
"Wala ah!" mabilis at halos pasigaw ko nang sabi. "Eto e!" turo ko sa aking kapatid na preskong nakaupo. "Napaka nito..." wika ko at inirapan na lang si Andrew bago bumalik sa aking upuan.
Binelatan naman n'ya ako at tatawa-tawa pa.
Isip bata!
Bakit ba lalaki ang naging kapatid ko? Sana babae na lang.
Tinititigan kong muli ang aking cellphone na nandoon pa rin sa pagmemessage kay Axl. Kahit na kinakabahan nagtype pa rin ako ng mensahe.
Alexis Axl Khyler Gomez
active nowHappy Birthday Axl! Wish you all the best! Love you 😘
Dahil sa takot, dahan-dahan kong pinindot ang screenshot at mabilis ngunit may pag-iingat na binura ang mga mensahe na aking t-ina-ype. I immediately clicked the back button of my phone. Baka mamaya may mapindot pa 'kong kung ano at masend pa kay Khyler.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Roman pour AdolescentsBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...