SAN 19

408 15 0
                                    

Chapter 19

Nagmamadali akong bumaba ng tricycle sa bayan at naghintay muli ng panibago.

Ilang minuto na akong nakatayo ngunit wala pa rin nagpapasakay sa akin. Inis akong tumingin sa aking relo.

Ano ba 'yan? Bakit kasi ngayon pa?! Nakakainis naman! Wala pa akong masakyan. Late na nga, mapapagbayad pa ata.

May bayad kasing sampung piso sa room kapag late kami pumasok.

"Neng, sakay ka?" may tricycle na huminto sa harap ko.

Mabilis akong sumakay roon. Maya't maya na rin ang tingin ko sa aking relo. I sighed. May tatlumpung minuto pa. Maari pa akong makahabol sa first subject. Kung hindi, absent ako.

Bakit kasi hindi ako nagising sa alarm? Badtrip naman oh!

Tumingin ako sa labas at kung minamalas nga naman, naabutan pa ng traffic.

Wala na Apple. Wala na talaga! Absent ka na. Sa Pre Cal pa. Kung saan pa major, doon ka pa wala. Talaga naman oh!

Nakakainis talaga 'tong araw na 'to!

Sa sobrang pagmamadali ko, muntikan pa 'kong matapilok pagkababa ko ng tricycle.

"Ang swerte mo ngayon. Ang swerte, swerte mo, Apple!" wika ko sa sarili habang naglalakad.

"Neng! Neng!" pahabol na sigaw ng tricycle driver na sinakyan ko.

"Po?" nakangiti kong baling dito. Nagpipigil ng badtrip sa sarili.

Bahagyang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. "Bayad mo?"

"H-Ho?!" hindi ko mas'yadong narinig ang sinabi niya. Naglakad ulit ako palapit sa kanya.

"Neng, bayad mo?" malumanay niyang sabi. Wala na ang kanina'y medyo kunot noo.

"Ah..." napapahiya kong wika at kunwaring tumawa. "Ito po. Pasensya na ho!" paumahin ko habang iniaaabot ang bayad.

"Okay lang!" anito.

"Pasensya na ho ulit!" pahabol kong paumanhin saka tumalikod.

Ano ka ba naman Apple. Nakakahiya ka! Mabuti na lang at mabait si Kuya. Buti na lang din at wala ng ibang estudyanteng dumadaan, dahil mas lalong kahiya-hiya.

Bakit naman kasi... nakakainis!

Mabilis ang lakad ko papasok ng gate, inis pa rin. Bago pa tuluyang makapasok ng building, may nakita na akong mga estudyante na naglalabasan at dumidiretso papuntang canteen.

Pumikit ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Wala na. Walang-wala na! Late na talaga akong tunay.

Dire-diretso ang lakad ko hanggang makarating sa labas ng room. Huminto ako nang may lumabas na kaklase ko.

"Absent ka na," wika niya.

Sumimangot ako at sumilip sa may pinto. Kaunti na lang ang mga kaklase kong nasa loob. Malamang nasa canteen na ang iba.

Muli akong bumuntong hininga bago tuluyang pumasok ng classroom.

Late na nga nagising, wala pang masakyan. Na-traffic pa. Muntikan ng matalisod, nakalimutan pang magbayad ng pamasahe. At higit sa lahat... poutek absent ako sa pre cal!

Nakakainis.

Bwisit naman kasing panaginip 'yon. Maganda nga ang panaginip ko, ang malas naman ng araw ko. Wala rin!

"Oh... bakit ngayon ka lang?" Pang-aasar na tanong sa 'kin ni Gayle.

"Mapple, bakit ngayon ka lang?" malakas na wika ni Tania habang papasok siya ng room.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon