Chapter 35
"Pumunta na raw sa gym at magpapractice na para sa graduation," announce ng aming President.
"Tara na!" anyaya ni Gayle.
Inayos ko ang aking bag at nang masigurong wala nang gamit na nakalabas, lumabas na rin ako at sumunod kina Laurine.
"Akalain mo 'yon! Ang akala ko'y mahohold ang ating graduation sa daming gawain," biro ni Seline habang naglalakad kami papuntang gym.
"Sa totoo lang... hindi ko pa nakikita ang sarili kong naglalakad at kumukuha ng diploma," tila seryosong sabi ni Laurine.
We laughed. Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang makarating ng gym. Ito na ang huling araw at beses ng aming pagpa-practice for graduation at katulad nila, hindi pa rin ako makapaniwalang ga-graduate na kami.
Nang matapos ang huling practice namin, before kami di-ni-smiss ni Sir Val, may kung ano pa siyang ini-announce para sa darating na graduation sa isang araw.
"So guys, kita-kita na lang tayo sa isang araw!" Nakangiting paalam ni Seline bago siya dumiretso sa kanilang sakayan.
"Ba-bye!" si Laurine nang huminto sa store na kanyang pagbibilhan ng kung ano.
Kaming dalawa ni Gayle ang natira at hindi rin naman nagtagal, nagpaalam na rin kami sa isa't-isa.
Nang dumating ang araw ng graduation, tama lang ang oras ng pagdating namin sa school. Hinanap agad ng aking mata kung nasaan sina Seline. Hindi ko alam kung nandito na ba sila and as usual, nagpicture-picture muna si Mama bago kami tuluyang naupo sa mga designated chair namin.
Kalahating minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang graduation.
Habang may nagsasalita sa unahan, kumukupit kami ng segundo para magpicture. Sa kanan ko si Gayle at sa kaliwa ko naman ay isa namin kaklase. Sa likod naman namin ni Gayle sina Laurine, Seline at Pauoline na magkakatabi. Kaya hindi ganoon kahirap na magpicture kami paminsan-minsan, kapag nakakakuha ng pagkakataon.
Isa-isa nang tinatawag ang mga ga-graduate upang ibigay ang diploma. Habang palapit ako nang palapit, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko sa tuwa at kaba.
Nang tuluyang tinawag ang pangalan ko, nanlalamig man ang kamay ngunit ngiting-ngiti ang labi ko habang kinukuha ang diploma. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko pagbalik sa upuan. Ilang minuto pa, natapos na lahat ang pagbibigay ng diplomaa at ngayon, mga may honor at kung ano pang ibang awards na lang ang mga aakyat sa stage.
Halos ang lahat, napatingin nang biglang magsitayuan ang mga sports. Umalis ang mga ito sa kanilang upuan at pumila sa gitnang dulo. Mabilis na hinanap ng mata ko si Axl ngunit hindi ko siya makita. At kanina, hindi ko siya napansin.
I sighed at tumigil sa paghahanap. Mamaya na nga lang! Makikita ko rin naman siya.
Umpisa nang tinawag isa-isa ang sports. Ramdam kong unti-unting kumakalabog ang puso ko sa excitement na makita siyang umaakyat ng stage upang kuhanin ang kanyang mga medalya. Mga. Dahil alam kong hindi lang isa ang kanyang makukuha.
Mas lalong naghumerantado ang puso ko nang tinawag na si Phatrick. Tiningnan ko siya at mabilis na nahagip ng mata si Khyler sa kanyang likuran. Pati ba naman sa pila, magkasunod pa rin ang dalawa.
Seryoso siyang nanonood sa paglalakad ng seryoso rin na si Phatrick. Kasamang umakyat ng aking kinakapatid ang kanyang magulang. Ngayon, nakangiti na siya. May lampas sampung medalya itong nakuha plus certificate and ribbon bilang achiever. Hindi talaga nakakapagtaka na marami ring nagkakagusto kay Phatrick. Mapa-ibang school man.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
JugendliteraturBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...