SAN 41

418 13 2
                                    

Chapter 41

Pagpasok ko ng dorm room, bumungad sa akin ang mga kaibigan kong gising pa. Napupungay na ang mga mata nila subalit nang makita ako... biglang nabuhayan.

May humaplos sa puso ko at mabilis na nakaramdam ng guilt sa ginawang pagsisinungaling. Hindi ko akalain na kahit antok na antok na sila, iintayin pa rin nila ako.

Wala man ni-isa sa kanila ang nagsalita, ramdam ko ang paninitig at panonood nila sa bawat kilos na aking ginagawa. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng guilt.

Nang gabing iyon, sa sobrang saya ng puso ko... pati sila na kahit anong tampo at arte, nasuyo ko. Nangako akong para makabawi, ililibre ko sila sa isang linggo.

"Gayle, wala ka!" nang-iinggit ang tonong iyon ni Seline.

"Bakit?"

"Nanuyo si Ate Gurl mo!" natatawang asar niya sabay sulyap sa akin. 

Umirap ako nang maalala ang gabing iyon. Agad din napangiti nang makaramdam ng kilig.

"Eh?!" hindi makapaniwalang sabi ni Gayle.

Hindi na ako nagulat sa reaksyon ng mga 'to. Kahit minsan kasi... never ko silang nasuyo before. Kahit word na, 'Thank you' or 'Sorry!', never ko iyong sinabi sa kanila. Kilala naman nila ako na ganoon tao. Mapride na babae kaya hindi na nakakabigla sa akin kung ganyan sila umasta. 

Kahit anong pilit nila, never kong sinabi ang totoo kung saan ako nagpunta. Natatakot kasi akong asarin ng mga 'to. Baka malaman ng iba, magka-issue pa.

Kahit na sabihing ang feeling ko naman, iba pa rin lalo pa at sikat si Khyler. Iba rin kasi ang trip na asaran ng mga 'to. Lalo na kapag nasa public kami.

Wala pang isang linggo ang lumilipas ngunit madalas na kaming magka-usap ng Ate ni Khyler. Hindi ko alam kung saan niya ba nakuha ang number ko.

Isang beses, may tumawag sa akin. Sinagot ko iyon kahit pa unknown number. Nagulat ako nang marinig sa kabilang linya ang boses ni Ate Khyla.

Nagyayaya siya na magkita kami para daw mai-treat niya ako. Tumanggi ako roon. Kahit na sinabi niyang matatampo siya sa akin, hindi pa rin ako pumayag. Nagdahilan akong may practice at madami pa akong kailangan na tapusin.

Hindi naman sa ayaw kong makipagkita muli sa kanya. Kung pwede nga lang, ako na mismo ang magyayaya rito. Ang kaso, nahihiya kasi ako. Hindi na rin naman niya ako kailangan na ilibre dahil nagawa na niya sa akin iyon.

Sinabi niya sa akin na kaya sa The Aristocrat Restaurant niya ako pinapunta, dahil pag-aari nila iyon.

I was shocked. Hindi ko akalain na ganoon sila kayaman. Ang akala ko, sa Batangas lang sila may restaurant. Hindi ko naman inaakala na branch na lang pala nila iyon. Dahil ang mismong pinagkainan ko noong isang sabado, ang pinaka-unang restaurant nila. Bukod doon, marami pa akong nalaman. About man sa kanya at maging sa kapatid niya na si Axl.

Nalaman ko rin kung bakit sa huling taon ni Khyler sa kolehiyo, naisipan pa niyang magtransfer sa Manila Academy. Sinabi niya na sa una pa lang, sa Manila Academy na talaga dapat papasok ang kanyang kapatid.

Kaya siguro nakasabay namin siyang magtake ng exam noon. Ang kaso nga lang, kaya raw hindi ito natuloy na mag-enroll ay dahil mas pinili nitong sa Ateneo pumasok. Na noon ay doon din nag-aaral ang dati niyang girlfriend na si Jayda. Lumipat lang ito dahil iyon ang kasunduan ng mga magulang nila. Dito sa school na ito raw silang lahat nagtapos kaya gusto rin nila na rito g-uma-raduate si Khyler.

Nagkwento rin siya ng kaunti about kay Axl. Pero ang gustong-gusto at kating-kati na akong itanong sa kanya ngunit hindi ko ginawa, ay kung bakit naghiwalay si Khyler at Jayda?

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon