SAN 11

416 14 0
                                    

Chapter 11

Nahirapan kaming makadaan sa likod ng gym for the last task. Mas'yado itong makipot at masikip.

Kung kanina sobrang compress na, ngayon mas lalo pa. As in super duper COMPRESS na talaga. Dahil doon, kailangan talaga namin magkapit-kapit.

Humawak ako sa balikat ng nasa unahan ko for the support. At first, naiilang pa ako. Hindi ko marecognize ng ayos kung sino iyong nasa aking unahan. Nang mapagtanto ko kung sino, naging komportable na rin ako. Pagkapatong ko ng aking kamay sa magkabilang balikat ni Cris, napatingin agad ito sa akin. He didn't say anything and gave me a small smile. 

Iyong lalaking nasa likod ko naman, I think he doesn't have any choice. He put his two hands on my shoulder again. I shouldn't be surprise because I expected that, but since he is Alexis Axl Khyler Gomez... my crush, iba ang naging reaksyon ko. Gulat at may kasama pang tili.

Hindi ko inaasahan na medyo napalakas pala ang tili ko dahilan para mapatingin sa akin ang lahat ng SPORTS C. Bigla akong nakaramdam ng hiya at bahagya kong iniyuko ang ulo pero napi-feel kong lahat ng tingin, nakatuon pa rin sa akin.

"Ano? Ingatan n'yo nga 'yang Guest natin," pasigaw at may inis na sabi ng kanilang president na si Mike sa bandang unahan. Nasa gitna na ako ngayon nakapwesto. As in middle. Gitnang-gitna. Hindi ko nga alam kung bakit sa dami ng pwesto, rito ako napunta.

"Nagulat lang ako. Start na tayo baka maunahan pa tayo ng iba," kinakabahan kong paliwanag bilang palusot.

Nang marating na namin ang fifth station— the last task, na nasa loob ng covert court naroon, agad naming tinanggal ang taling nakabilog sa amin.

"Attention guys!" ipinalakpak nang isa sa dalawang babae ang kanyang kamay upang makuha ang atensyon ng lahat.

"What section are you?" tanong ng isa sa babaeng bantay sa fifth station.

"Sports C," nakangiting sagot ni Mike.

A woman approached Mike to explain what we're going to do. Lumapit na rin kaming lahat para makinig.

"This group was the first section that arrived here in the last station," masayang anunsyo noong isang babae.

Nagsigawan naman ang mga lalaking sports. Agad din itong nawala at napalitan ng tawanan.

"So, Congratulations muna sa inyong lahat!" may ngiti ulit na sabi noong babae.

"Congratulations!" dagdag pa noong isa.

"Thank you po!" sabi ko saka ngumiti.

Tumango naman ang iba at katulad ng aking ginawa, nagpasalamat din ang karamihan.

"For this final task, we only need two players," may diin sa huli nitong sinabi. "A girl and a boy," sabing muli nito saka kami tiningnan isa-isa.

"At dahil..." putol nito sa kanyang sinasabi.

"We all know naman na hindi pa nakakalaro ang 'Guest' ninyo..." pagkasabi noon, sabay-sabay silang tumingin sa akin maliban lang doon sa dalawang babae na nagsasalita. "Sila ang maglalaro ngayon dahil required ito. Ito rin ang sinabi kanina ni Sir Val sa mga President ng bawat section," dagdag paliwanag niya.

Now I realized na kaya pala kahit gustong-gusto ko ng sumali kanina, hindi pwede. Dahil ako ang gagawa ng last task.

Bigla naman akong napatingin kay Mike at saktong nakatingin din siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang sweet na ngiti at ang mata nito, humihingi rin ng paumanhin.

"Sino ang guest n'yo?" tanong noong dalawang babae at iginala ang kanilang mga mata.

"Ako po!" itinaas ko pa ang aking kanang kamay bilang pagsagot. Upang makita nila ko agad.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon