SAN 23

369 16 0
                                    

Chapter 23

It's been two months. Dalawang buwan na ang nakakalipas nang mangyayari ang isa sa mga gabi na hindi ko malilimutan in my Senior High life.

The night kung saan wala na akong mukhang maihaharap kay Khyler.

Until now, I still vividly remember what happened that night.

Since then, every time I saw him, mabilis akong natataranta. Hindi alam kung paano magtatago at iiwas para lang hindi niya mapansin o makita. Hiyang-hiya ako sa kanya noong gabing iyon. Maging hanggang ngayon.

One time, when we were going to canteen, I had no idea that he was also there.

Saktong pagpasok namin ay siya naman paglabas nila. Mabilis akong kinabahan, hindi malaman ang dapat gawin ng mga panahong iyon. Magtatago ba o hindi? Sa sobrang taranta ko, pinili kong maglakad na lang na para bang hindi na apektado.

Ang sakit lang dahil kahit na alam kong namumukhaan niya 'ko dahil sa napakaraming nangyari between us, hindi niya pa rin ako nakuhang pansinin.

Alam ko naman na wala s'yang pakialam sa akin. Una, alam kong hindi niya ako kilala kahit pa namumukhaan niya ako. Pangalawa, I'm not his type and he is not interested on me. At ang pangatlo, ang pinakamasakit... may girlfriend siya at mas maganda sa 'kin.

Alam mo 'yon? Kahit alam mo na 'yong katotohanan, nandoon pa rin 'yong hope.

Na sana... sana mapansin n'ya rin ako.

Mabuti pa 'yong mga kasama niya. Tumingin sa amin, samantalang siya na hinihintay ko... wala. Walang pake.

Magkasama kami ni Seline ngayon at kagagaling lang namin kina Joy. Joy was our classmate back when we were Junior High. Actually, tatlo talaga kaming magkakaibigan at laging magkakasama before. Back, when we were Junior High. Ang kaso, may mga pagkakataon na kailangan n'yo rin na maghiwa-hiwalay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, magkakasama kayo.

Si Joy, ibang school ang gusto niyang pasukan sa Senior High. Samantalang kami ni Seline, nagdecide na parehas na school ang pasukan kaya hindi na namin siya laging nakakasama. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita-kita kami since noong nag Senior High kami.

After namin kina Joy, we decided na maglibot-libot muna ulit sa may sidera para magtingin-tingin ng pwedeng ipanregalo.

Sa isang araw na ang Christmas Party namin kaya napag-usapan namin ni Seline na after namin kina Joy, bibili na kami ng panregalo para iwas gastos na rin.

Huminto kami sa paglalakad at pagtingin-tingin nang may nakita kaming bilihan ng pagkain. Bumili kaming Kerimo. Naupo sa isang bakanteng table, habang hinihintay ang order namin.

I looked around. Pinapanood ang mga taong nag-iikot-ikot din. May mga bumibili sa iba't-ibang store. May mga magkasintahan na naglalakad-lakad at magkahawak-kamay. Ang iba, masarap pagmasdan. Ang iba naman, nakakasura.

Napairap ako. Tsk! Maghihiwalay rin kayo. Walang forever!

Maganda ang pagkakatayo ng tiangge rito sa bayan. Dinadayo ito ng mga tao. Kilala rin ito rito sa Batangas.

Every 'Ber months' lang kasi nagkakaroon ng ganito. Kaya ganoon na lang siguro karami ang pumupunta rito para mamili. Mas masayang maggala at mamili kapag gabi. Lalo pa't ang dulo nito ay park, katabi ang simbahan.

Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang order namin. May naupong babae sa vacant table, sa unahan namin ni Seline. Noong una, hindi ko iyon pinansin dahil wala naman akong pakialam. Subalit nang mapatingin ako sa kung saan na-order. Muntikan na akong mabilaukan kahit na paisa-isa lang naman ang kain ko ng fries.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon