SAN 9

407 12 0
                                    

Chapter 9

"SPORTS C!" natameme ako ng ilang segundo nang marinig iyon.

Poutek! Sa lahat-lahat, bakit doon pa? Sa daming section ng sports, bakit sa C pa?

Poutek naman!

Kung kanina, kabang-kaba na ako, ngayon mas dumoble pa. May mga narinig pa akong nanghihinayang sa ibang section. Of course. Sports 'yan! Karamihan, mga lalaki at puro mga gwapo pa. Ang mga kaklase ko naman, tawa nang tawa. Hindi pa nakuntento at inaasar pa ako.

I started to walk to section C. Nadaanan ko pa nga si Seline na tawa rin nang tawa. Kanina pa ito tumawa na lang nang tumawa, ah. Alam niya kasing nandoon ang crush ko. Ito nga e, nakikita ko na.

Poutek talaga!

I was shocked when I saw that Khyler was also staring at me. Like the other students, nakaupo rin siya sa sahig ng court. Ang kanyang dalawang malalim at seryosong mata, nakatuon sa akin habang ako'y naglalakad papunta sa kanilang section. Hindi ko na siya makayanang tingnan kaya iniiwas ko na lang ang aking paningin at itinuon iyon sa aking daraanan.

Jusko, ang puso ko!

Pagkarating ko roon, tumigil agad ako. Ni-hindi ko man lang sila sinulyapan. Humarap na agad ako sa stage. Mahirap na. Baka si Khyler na naman ang una kong makita.

Ilang minuto na akong nakatayo rito sa aking pwesto. Hindi pa raw maaring maupo ang mga nabunot.

Nakakangalay kaya ang tumayo!

Natapos na lahat ang pagbunot. Huli ang Sports A at nakatayo pa rin ako, kaming mga nabunot. Akala ko, si Khyler ang mabubunot. Gomez din kasi ang apelyido noong tinawag. Si Ken pala. Iyong lalaki na kasama nila kahapon ni Phatrick. Sa section nina Seline siya napunta, STEM B. Siguro pinsan ni Khyler iyon.

"Okay. For the president of each section, you are the in charge for taking care of your guest. May ipapamigay na papel sa inyo at iyan ang magiging Task ninyo. Iyong another paper na ipamimigay sa inyo, dapat lahat kayo mayroon. Dahil iyang papel na 'yan, kasama ang inyong Task, ang inyong papapirmahan sa bawat station na inyong matatapos. Paalala lang, ang magpapapirma lang sa bawat station ay 'yong mga estudyante na naglaro doon mismo sa station na 'yon. Pero iyong Task, dapat may pirma sa bawat station na inyong matatapos. Para malaman natin kung sino ang nakalaro at hindi pa nakakalaro. Upang sila naman ang maglalaro for the next station. Bibigyan ko kayo ng five minutes para makapagready at magplano sa mga strategy na gagawin ninyo. Kapag sinabing kong 'STOP' dapat ready na kayo at pagbilang ko ng 'one, two, three', then 'Go' start na 'yon. Okay?" tumango kami sa mahabang paliwanag at pagbibigay ng instruction ni Sir Val.

Halos mapatalon ako nang bigla na lang akbayan noong bading na president ng Sports. Nagpakilala siya sa akin saka niya ako ini-introduce sa iba pa niyang kaklase. Napansin kong nine lang ang babae rito plus ako, sampu lang.

Unang lumapit sa 'kin si Phatrick. Nakipag high five ito sa akin saka ako inakbayan. Biniro tuloy kami ng mga kaklase niya. Napalakas pa ata ang kanilang mga hiyawan at kantyawan kaya napatingin sa amin ang iba.

Hindi ko tuloy alam kung namumula na ba ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang hiya.

"Ikaw Phatrick ha. Hindi ko alam na may type ka pala rito sa school. Akala ko taga ibang school ang pinopormahan mo?!" pang-aasar sa kanya noong isa niyang kaklase.

"Ulol!" natatawang sagot nito saka pabiro iyong sinuntok.

"Hindi ah. Magkakilala lang kami kaya ganyan," kahit na hindi ko naman sila kaclose, s'yempre, kailangan ko rin i-defense ang aking sarili. Baka mamaya mapagkamalan pa akong girlfriend nito, lagot ako kay Joy nito kapag nagkataon.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon