Chapter 5
Ganoon pala ang feeling kapag may hinahangaan ka. Hindi naman ako abnormal para hindi magkaroon ng crush noon. Pero hindi eh.
Iba 'to!
Iyong tipong maisip mo lang s'ya, napapangiti ka na. Mabanggit lang kahit ang first name n'ya, napapalingon ka na. Higit sa lahat... makita mo lang s'ya, kinikilig ka na. Ganyan ang napi-feel ko ngayon, ibang-iba sa nararamdaman ko noon.
"Hoy, Apple! Umayos ka nga, para kang ano dyan," natatawang saway sa akin ni Seline.
"Kaya nga! Para kang ewan dyan," dugtong naman ni Ana sa sinabi ni Seline.
Kasama na rin namin si Ana na maglunch. Kaya medyo naging close na rin sila ni Seline. Sino ba naman ang hindi magiging ka-close nito. Sa daldal ba naman nitong si Seline malabong hindi niya makilala at makausap si Ana. Isa pa rin naman kasi itong madaldal.
"Eh kasi naman..." sabay ayos ko ng upo rito sa canteen at ayos na rin ng aking buhok. "Baka makita ko si crush. Alam n'yo na," I smirked and looked around. Umaasang makikita ako ang aking crush na si Khyler.
Simula nang makita at malaman ko ang pangalan n'ya, tuwing nakakakita ako ng sports student, hindi ko maiwasang hindi mapatingin. Umaasa na siya iyon o 'di kaya, isa siya sa mga nandoon.
"Oh my Gosh!" nanlalaki ang mga mata at pa-histerya na wika ni Seline. Agad akong napatingin sa kanya.
"Bakit?" agad kong tanong.
"Hindi ka na hayop. Hindi ka na abnormal. Tao ka na bes!" Aniya habang tumatawa.
"Tao naman talaga ako," irap ko sa kanya. "Anong tingin mo sa 'kin, hayop?" mataray kong tanong. Akala ko pa naman kung ano na. Iyon pala aasarin lang ako.
"Hindi naman. Grabe ka sa sarili mo. Abnormal lang naman," natatawang pagpapatuloy na pang-aasar niya.
Umirap na lang ako sa kawalan. Nakakainis din minsan ang babaeng ito. Minsan na nga lang ako magkaroon ng crush, grabe pa ako asarin at barahin.
Hindi ko nga alam kung paano kami tumagal at naging magbestfriend ng limang taon. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng bestfriend na katulad n'ya. Pero kahit minsan hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko s'ya. Atsaka kahit na ganyan 'yang babaeng iyan. Mahal ko 'yan. Hindi lang halata.
"Sino ba 'yang crush mong 'yan?" tanong ulit sa 'kin ni Seline makalipas ang ilang minuto. "Gwapo ba? Patingin nga?" pagpapatuloy niya.
"Oo gwapo. Grabe 'di ba?!" tumingin ako kay Ana para makita ang pagsang-ayon niya.
"Gwapo nga mayabang, gaslaw at playboy naman," nakangiwing sagot ni Ana sa akin.
"Nang! 'Wag na do'n bes. Mayabang tapos playboy pa," naiiling at disappointed na sabi nito.
"Grabe naman kayo makapanghusga sa tao! Malay n'yo hindi naman mayabang at magaslaw sa lahat," pagtatanggol ko.
"Playboy naman," dagdag ni Ana.
"Playboy jusko! Sasaktan ka lang n'yan," sabi na naman ni Seline.
"Ewan ko sa inyo! Suportahan n'yo na lang kaya ako. Hindi iyong pinagkakaisahan n'yo pa 'ko," reklamo ko at kunwaring umirap sa kanila.
"Ano bang hitsura n'yan? Patingin nga..." pangungulit ni Seline.
"Si Khyler. Sa sports. Maputi, matangkad, may taling dito at dito," turo ko sa aking kaliwang sentido. "Iyong magaling magbasketball at volleyball," dagdag ko pa para mas makilala niya.
"Sino 'yon? Di ko kilala 'yon!" nakakunot noong tanong niya at panigurado akong iniisip na nito kung sino si Khyler.
"Di mo kilala?" gulat kong tanong. "Palibhasa puro artista lang 'yang kilala mo. Famous kaya 'yon. In-add ko nga 'yon sa facebook," pagmamalaki ko habang nakangiti.
"Ayun si Khyler!" biglang singit ni Ana.
"Asa'n?" lumingon-lingon ako upang makita ang crush ko.
"Ayun oh!" nginuso niya ang aking likuran.
"Hoy! Asa'n? Wala naman," tanong din ni Seline. Gaya ko, naghahanap na rin siya.
"Ayon nga, ang kulit!" nginuso ulit ni Ana ang aking likuran.
Lumingon ako para makita ang itinuturo ng labi niya pero huli na ang lahat dahil likod na lang ulit nito na papalayo ang aking nasaksihan.
Tiningnan ko ang likod nitong palayo nang palayo ngayon. Nang mawala na ito sa aking paningin, bumaling agad ako kay Ana ng nakasimangot at nakakunot ang noo.
"Anong mukha 'yan?" tawa naman sa akin ni Seline. "Para kang binagsakan ng langit at lupa," komento niya at tumawa sa hitsura ko.
Hindi ko pinansin ang tanong at pang-aasar ni Seline sa 'kin. Nakasimangot at kunot noo pa rin akong nakatingin kay Ana.
"Bakit ganyan ka makatingin? Wala akong ginagawa sa'yo ha!" Ana defended herself.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na si Khyler pala 'yon?!" nanghihinayang kong wika. "Hindi ko tuloy nakita," nakasimangot ko pa rin na sabi.
"Di ko nakita 'yong mukha," singit naman ni Seline. "Pahuli-huli ka kase sa pagturo," paninisi pa nito kay Ana.
"Aba! Malay ko ba!" depensa naman ni Ana sa sarili. "Crush ko ba iyon para hanap-hanapin ko?!"
"Nakakainis ka, alam mo 'yon!"
Ano ba 'yan! Minsan ko na nga lang s'ya makita. Likod pa.
Lumabas ako ng classroom para sana mag CR. Pababa na ako ng hagdanan nang makita kong paakyat naman sila Khyler.
Poutek! Silang dalawa lang ni Phatrick ang magkasama. Kinabahan agad ako habang bumababa ng dahan-dahan sa hagdanan.
Poutek talaga!
Parang mas lalo ata akong maiihi dahil sa pinagsama-samang kilig, kaba at excitement. Nag-uusap silang dalawa habang paakyat ng hagdanan samantalang nagkukunwari naman ako na parang wala lang. Ganoon pa rin. Relax. Ngunit sa aking kalooban, nag-uumapaw ang aking iba't-ibang nararamdaman.
Nang sa wakas ay nagkasalubong na kami, nagkunwari akong napatingin sa kanilang dalawa. Napasulyap sa 'kin si Phatrick. Tumango at ngumiti lang ito. Dahil sa pinaghalo-halong kilig at kaba, hindi ko alam ang gagawin kaya ginantihan ko na lang din siya ng tipid na ngiti.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero bago ko sila tuluyang malagpasan, nakita ko... talagang nakita ng aking dalawang mata ko na tumingin at sumulyap din si Khyler sa akin.
Dali-dali akong nagtungo sa CR at nang makapasok na ako sa loob, isang malalim at may kabang buntong hininga ang aking pinakawalan.
"Grabe. Tiningnan n'ya ba talaga 'ko?" I asked myself infront of the mirror.
Buti na lang talaga at walang tao rito ngayon sa CR. Ako lang.
"Grabe, tiningnan n'ya talaga ako?!" turo ko pa sa aking sarili sa harap ng salamin. "Grabe talaga!" ngiti kong muli at hindi ko maiwasang hindi kiligin.
Poutek!
Simpleng tingin o sulyap n'ya lang sa akin, ang laki na ng epekto. Paano pa kaya kapag kinausap at tinitigan na niya ako.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...