Chapter 26
Grade twelve. Muli kong naging kaklase si Seline at sobrang saya ko dahil magkaklase na ulit kami.
Dito rin sa taon na 'to ko nakilala sina Pauoline at Laurine. Mga kakilala ni Seline at kalaunan, naging kasama at kaibigan na rin namin.
Agosto. Buwan ng Wika.
Ngayong araw na ito gaganapin ang aming Buwan ng Wika kaya nandito kaming lahat ng Senior High sa gym upang ipagdiwang iyon.
Nakaupo kaming mga Grade 12 sa bleachers samantalang ang mga Grade 11 naman, sa sahig ng court. Mabuti na lang at sa bleachers kami.
Aba, dapat lang!
Noong isang taon ay panay sa sahig din kami ng court pinapaupo. Minsan pa nga kapag nahuhuli kami o ang iba, na nauupo sa bleachers ay pinapagalitan. Mabuti naman at sa bleachers kami ngayon.
Hindi pa nagsisimula ang programme dahil medyo maingay at kagulo pa kung saan mga magsisipwesto.
Nasa panlima at huling line kami sa bleachers sa kaliwang bahagi. Dito ko talaga pinili na maupo para kita ang lahat. Sa kaliwa ko si Seline. Sa kanan naman niya ay si Pauoline. Si Laurine, pinili na lang maupo sa pang-apat na line pero katapat lang namin. Doon na lang daw siya dahil mas'yado na raw masikip dito sa aming pwesto.
Nagkwentuhan kami ni Seline tungkol sa kung saan-saan. Naalala kong may sasabihin at ipapakita nga pala ako sa kanya. Kinuha ko ang cellphone at may ipinakitang screenshot doon. Binasa n'ya iyon.
"Eh? Cool off sila?" Aniya. Hindi makapaniwala matapos mabasa ang ipinakita ko sa kanya.
"Ewan. Siguro!" sagot ko. Hindi sigurado. Hindi ko naman kasi talaga alam.
Ini-screenshot ko iyong post ni Jayda, girlfriend ni Khyler at iyon ang nabasa ni Seline. Matapos ang masaya nilang celebration ng isang taon, ganito ang nabasa ko kahapon. Nakalagay roon na parang may tampuhan ang dalawa. Medyo madrama ng kaunti ang post noong babae kaya ang daming nagtatanong ano raw nangyari.
"Baka hiwalay na," wala sa sariling wika ni Seline.
"Ha?" taka kong tanong.
"Sabi ko... baka hiwalay na sila," ulit niya.
"E, baka may tampuhan lang."
Nakakapanghinayang naman kung ganoon nga na naghiwalay sila. Sa pagkakaalam ko, siya lang ang nagtagal na babae kay Khyler na umabot ng higit pa sa isang taon. Ang kaso, on and off din ata sila e.
"Mukhang mas mahal ni Ate girl mo si boy," si Seline makalipas ang ilang minuto.
I shrugged on what she said. Hindi ko alam. Ngunit mukha nga! Pero hindi rin naman sila tatagal ng ganoon kahit pa sabihin mong on and off kung hindi nila parehas na mahal ang isa't-isa. Siguro mas lamang nga lang talaga ang pagmamahal ng girlfriend n'ya sa kanya.
Lumipas pa ang ilang minuto, hindi na rin namin pinag-usapan muli ni Seline ang tungkol doon. Isa pa, nakakaramdaman na rin ako ng sakit sa aking puso. Hindi lang pala puso dahil mukhang pati ang puson ko, sumasabay na rin. Mukhang magkakaroon na naman ako.
Ang wala na lang sa amin lima ay si Gayle. Late na naman iyon! Hindi na nakakapagtaka.
Mag-uumpisa na ang programme nang dumating si Gayle. Medyo hinihingal pa nga ito nang dumating. Siguro'y sa pagmamadali. Kanina pa rin kasi s'ya i-t-in-ext ni Pau (Pauoline).
"Oh, mga late! Wala na kayong mauupuan," wika ni Ma'am sa mga bagong dating. "Dito na lang kayo mga anak sa sahig."
"Oh! Bakit ganyan ang hitsura mo?" Si Laurine kay Gayle.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Fiksi RemajaBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...