SAN 4

689 12 2
                                    

Chapter 4

After ng one hour na vacant, isang subject pa then uwian na. At ngayon, tama nga ang sabi nila. Curiosity killed the cat.

Nagmamadali kong inayos ang aking mga gamit at saka isinilid sa loob ng bag. Mabilis akong lumabas ng aming classroom. Nakita kong kalalabas lang din ni Seline ng room nila kaya mabilis akong lumapit sa kanya saka ito hinila paalis.

"Hoy! Ano ba?!" gulat na tanong nito.

"Tara na! Nagmamadali ako," hila ko ulit sa kanya.

"Saan ka ba pupunta at nagmamadali ka?" tanong nito.

"Wala. Uuwi na! Nagugutom na ako," hawak-hawak ko pa rin siya dahil sa paghila ko kanina.

"Talaga lang ha?! Tara munang mag 7 eleven?" anyaya nito. May malapit kasing store ng 7 eleven dito sa school.

"Wag na! Umuwi na lang tayo," tanggi ko.

"Anong nakain mo at ganyan ka? Nawi-weird-uhan ako sa 'yo ah," tanong na naman niya.

Sumulyap ako sa kanya at nakita kong sinusuri niya ang expression ng aking mukha. Bahagya kong kinunot ang noo sa ginagawa niyang panunuri sa akin.

"Wala pa nga! Kaya nga uuwi na ako. Kasi nagugutom na ko," palusot ko sa kanya.

"Nagtitipid ka ba?" natatawang tanong niya.

"Oo!" mabilis at maiksi kong sagot para hindi na siya mangulit.

Napakadaldal pa naman nito.

Nang makarating ako ng bahay, nakita ko si Mama sa sala. Ibinaba ko muna ang aking bag saka humalik sa pisngi niya at dumiretso ng kusina para kumuha ng meryenda sa ref.

Oo. Totoong nagugutom na ako. Kaya nagmamadali na rin akong umuwi. Ngunit bukod dito, may mas mahalaga pa akong gagawin.

Kinuha ko ang piattos at nagsalin ng juice sa baso. Pumunta akong sala para kuhanin ang aking bag atsaka dumiretso sa aking kwarto.

I put the piattos and the glass of juice on the table here in my room. Kinuha ang aking laptop at saka binuksan iyon.

Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Tama lang. Sapat lang. Bukod sa 'kin, may nakababatang kapatid pa ako. Si Andrew. Si Mama, nandito lang s'ya sa bahay. Siya ang nag-aasikaso sa aming dalawa. Si Papa lang ang nagtatrabaho. May maliit din kaming computer shop tapos nagpapa-rent din si Papa ng tricycle kapag may trabaho siya.

Dinala ko sa kama ang laptop saka nag log-in sa facebook at pinindot ang search. Mabilis kong t-ina-ype roon ang word na 'Khyler' saka ito in-enter.

Muntikan na akong mapamura nang makita at marealize na ang dami-dami nga pa lang Khyler sa mundo.

Naku naman! Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? Kainis. Paano ako magsisimulang maghanap nito?

Nakakainis naman talaga.

Bumuntong hininga ako at naisip na hanapin na lang sa friendlist ni Ana o 'di kaya ni Phatrick.

Tama!

Kay Phatrick na lang. Mas close sila no'n. I typed the whole name of Phatrick.

Joseph Phatrick Montemayor.

Mabuti na lang at friend ko na 'tong si Phatrick. In-open ko ang timeline niya at nakita kong may bagong tag.

Binasa ko iyon.

Alexis Axl Khyler Gomez with Joseph Phatrick Montemayor and 13 others
1min

Nanlaki ang mga mata ko.

Poutek!

Tinitigan ko pa ng ilang minuto ang pangalan ni Khyler bago ko iyon naisipang i-click. May kaba ngunit mas nangibabaw ang pagka-excite ko habang kini-click iyon.

Nang nag-open na ang timeline ni Khyler, nakita at naaninaw kong mabuti ang ang profile niya. I clicked his profile so that, I will clearly see him.

On his profile, he was wearing a white shirt with a print on it. He was also wearing a black baseball cap.

Poutek! Aaminin ko... Ang gwapo n'ya.

Nakangiti ako at pinipigilang kong tumili pero iyong kilig ko... sobra. Hindi ko mapigilan. Kinalma ko muna ang sarili.

Mapple Louisse! Umayos ka nga. Hindi ka naman ganyan dati ah.

Tiningnan ko iyong about sa kanya.

Alexis Axl Khyler Gomez

Nickname
Alex
Axl
Khyler
Axl Khyler

Ang dami naman nitong nickname. Sabagay ang haba ba naman ng pangalan. Akin nga two words lang. Mapple Louisse, ang hirap na minsan isulat ng buo. Samahan pa ng surname. Iyong kanya pa kaya na three words plus apelyido, four words. Hindi pa kasama ang middle.

Oh well! Wala naman akong magagawa ro'n at saka 'di naman ako ang naghihirap na magsulat. Bakit ko ba pinakikielaman?

Pero three words talaga name ko. Hindi ko lang isinasama kasi ayoko. Wala lang, 'yoko lang.

Pero bagay sa kanya iyong name n'ya.

Birthday
November 24

Mas matanda siya sa 'kin ng ilang buwan dahil hindi kami same ng year. Okay lang. At least same kami ng birthdate. 24.

November 24 s'ya at ako naman, April 24. May isa na kaming parehas.

Nalaman kong mayaman din siya. Sa private school nag-aral since grade school.

At may restaurant sila!

Pangarap ko pa naman na mag-chef, noon. Makapag HRM na lang kaya ulit, tapos sa restaurant nila ako magtatrabaho. Bigla akong natawa sa naisip.

Muli akong bumalik sa timeline n'ya. Nagscroll down ako nang nagscroll down. Napagtanto kong hindi siya mahilig mag-upload ng picture. Puro share lang s'ya ng about sa basketball at nang kung anu-ano pa. Ano pa bang aasahan? Basketball player nga 'di ba!

Kaya siguro pati damdamin ng mga babae, nilalaro niya.

Basketball is life nga sabi nila.

Pero kahit na ganoon s'ya. Humahanga na pa rin ako sa kanya.

I clicked his profile again. Ang gwapo n'ya talaga. Tiningnan ko ang like, grabe 'di pala dapat like kung hindi likes, ang daming likers.

Famous huh! Nagbasa ako ng mga comments with 's' talaga, kasi ang dami... more than 150 comments.

E'di siya na ang famous!

Ang pogi mo
Crush talaga kita
Ang gwapo
Papicture po
Hi po!
Gosh
Sheeemms
Hi fafa Khyler!

Grabe lang! Hindi ako makakapag comment ng ganyan. Ilan lang 'yan sa mga comments na nabasa ko. Akala mo artista. Oo na! Gwapo na s'ya.

Ito lang ang masasabi ko. First time kong mang-i-stalk at magkagusto sa isang katulad n'ya.

Alam kong nakakahiya pero nag friend request pa rin ako sa kanya.

Wala naman sigurong masama, hindi ba? Minsan lang din ako mag-add sa isang tao. Hindi niya rin naman ako kilala. Kaya okay lang.

Pagka-click ko ng 'Add friend' at lumabas ang 'friend request', mabilis akong nag log-out. Mabilis ko ring isinarado ang laptop.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang mabilis na pagtibok nito. Nang medyo makalma ang aking puso, napatingin ako sa labas. Nagulat ako nang makitang madilim na roon.

Gabi na pala!

Sa sobrang busy ko sa pang-ii-stalk sa kanya, hindi ko na pala nabuksan iyong piattos at nainom ang juice na aking tinimpla kanina. Bigla tuloy kumulo 'yong t'yan ko.

Makakain na nga lang ng dinner.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon