Chapter 43
Lumabas ako ng sasakyan makalipas ang ilang minuto. Mula rito, rinig na rinig ko ang sigawan noong dalawa.
Tumingin ako sa paligid at nakitang walang tao roon. Walang bahay at puro damuhan lang. Agad akong kinilabutan.
May street light naman kaya maliwanag. Pero hindi noon mai-aalis ang malamig na hangin na nagdudulot ng kaunting takot sa akin.
Mabilis akong naglakad patungo sa kung nasaan sila. Kinakabahan man dahil ayokong makisali sa kanilang away, ngunit hindi ko na iyon kaya.
Nang makita ni Jayda na palapit ako, mabilis niyang hinablot ang brasong mahigpit na hawak ni Khyler. Sa lakas at gulat, mabilis iyong nabitawan ni Khyler. Mabilis na tumakbo si Jayda papalayo.
Tinawag pa siya ni Khyler at astang hahabulin ngunit mabilis ko siyang napigilan at nahawakan.
Khyler's eyes bore into me. Anger was very obvious on the way he looked at me. Natatakot man ngunit hindi ko siya binitawan.
"Khyler, tara na!" mahinahon kong yaya.
"Pwede ba. Bitawan mo 'ko!" galit at nag-uutos ang tono niya.
His brows furrowed and his eyes darkened.
"Khyler, tara na sabi e!" hindi ako nagpakita ng takot.
"Ano ba!?" he said darkly and pulled his arm away from my hold. "Pwede ba... huwag ka nang makisali. Umalis ka na lang pwede?" aniya, kunot pa rin ang noo.
Nang marinig ko iyon ay mas lalo kong naramdaman ang sakit. Doble-dobleng sakit. Parang tinutusok ng paulit-ulit ang puso ko.
"Hindi ako aalis dito," laban ko. "Ihahatid mo ako 'di ba?! Sige. Hatid mo 'ko!" hamon ko.
He smirked sarcastically. "Sa tingin mo ba maihahatid pa kita? Umuwi ka na lang mag-isa!" He said in vile tone.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang madinig iyon mula sa kanyang bibig. Hindi ko inaakala na masasabi niya sa 'kin ang ganoon. Makakaya n'ya 'kong pauwiin mag-isa? Sa ganitong lugar? Makakaya niyang pabayaan ang isang tao, makabalik lang ulit sa ex n'ya?
I cannot believe! He was a real asshole!
"Papauwiin mo akong mag-isa at ano? Hahabulin mo 'yong ex mo!?" I probed and raised a brow. "Na pinagtutulakan ka na palayo," I continued and smirked coz I know I hit something on him.
His forehead creased more. His eyes was burning while looking at me. Agad kong naisarado ang bibig.
"Anong karapatan mong sabihin sa 'kin 'yan?!" hamon niya at humakbang palapit sa akin.
Mabilis akong napaatras habang pinanonood ang mata niyang nag-aalab sa galit. My heart pounded nervously.
"Sige nga. Sabihin mo," mariin ang bawat bigkas niya. "Anong karapatan mong sabihin 'yan?!" he shouted the reason why I closed my eyes too tight.
"Wala, hindi ba?" aniya at ngumisi nang walang marinig na kahit ano mula sa akin.
Meron Khyler! Mayroon.
Pikit ang mata, lumunok ako para kumuha ng lakas ng loob. Nang magmulat, mata niyang nag-aalab ang una kong nakita. I stared at him with intense eyes.
"Dahil mahal kita!" wala sa sariling sigaw ko na halos ikapiyok ko na.
May namumuong mainit na tubig sa gilid ng aking mata ngunit pinigilan ko iyon.
Natigilan siya. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang kanyang dalawang mata subalit mabilis lang iyon dahil pagkatapos ng ilang segundo, mabilis siyang ngumisi na tila ba hindi tanggap ang sinabi ko. Na para bang isang malaking biro iyon para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...