SAN 30

389 11 0
                                    

Chapter 30

This semester— second semester, medyo maluwag na ang schedule namin. Hindi pala medyo, dahil maluwag talaga. Unlike last semester na sobrang hectic. Tipong kahit na may vacant, parang hindi mo maramdaman dahil may ginagawa pa rin kayo. Hindi katulad ngayon na ibinigay na sa 'min lahat ng vacant.

Sa isang araw nga ay parang isang teacher lang ang pumapasok para magdiscuss. Minsan, nagche-check lang ng attendance. More on research na kami ngayon kaya 'yong time ng ibang teachers, ibinibigay na lang sa amin para maggawa.

Madalas na rin kami sa library. Minsan, para magsearch o 'di kaya naman ay tumambay. Ngunit kadalasan, para magtype at gumawa ng thesis.

Hindi ganoon kadali ngayon ang thesis. Though, hindi naman talaga madali ang maggawa ng thesis. Pero unlike noong grade 11 at last semester, ito kasi ay may kasamang product. Which is the Capstone Research. Kaya mahirap!

Hindi ko na rin ganoon nakikita si Khyler kahit pa nasa iisang building lang kami. Bilang na nga lang sa daliri ko kung ilang beses ko siyang nakita ngayong semester.

Bukod sa paggagawa ng thesis at product, naging abala na rin kaming lima na maghanap ng school na papasukan for college. Naghanap muna kami sa malapit hanggang sa lumayo na kami nang lumayo.

"Try kaya natin mag Manila?" suggest ni Seline habang nasa jeep kami at papunta sa isang school na pagta-take-kan namin ng exam.

"Tara!" sang-ayon naman ni Gayle.

"Baka hindi ako payagan," si Laurine.

"Ayaw ni Mama sa Maynila," sagot ko.

"Ta-try lang naman. Magpaalam tayo ha?" Seline said.

Iniabot ko ang bayad namin apat sa driver.

"Sasabihin ko," ani Laurine.

"Papayag na agad ang Mama. Aba'y gustong-gusto na ako no'n na mag Maynila, e," si Gayle na nakanguso.

"Payag din naman si Mama noong una kung dito lang din sa Batangas. Hindi ko lang alam kung papayagan ba ako noon kapag Maynila na ang paalam ko," dagdag ni Laurine.

"Papaalam ako. Kaso, baka hindi talaga ako payagan. Pero papaalam ako," wika ko.

"Ako rin, papaalam ako," si Seline sabay tawa.

Nang makarating kami roon, agad kaming iginiya ng isang staff ng school. Dumiretso kami sa room kung saan kami mag-e-exam. Nagkatingin pa kami bago isa-isang pumasok.

Napatingin pa sa 'min ang ibang magtatake rin ng exam. We ignored them. Sa dulo kaming apat naupo. Ilang minuto pa kaming nagready saka nagsimula ang exam.

Forty-five minutes lang kami nagsagot sa mahigit 100 na tanong. Medyo nahirapan kami dahil hindi ito katulad ng dati na halos logic lamang.

Ibang-iba talaga ang exam sa high school kaysa sa college. After forty-five minutes, sabay-sabay namin ipinasa ang aming answer sheet at lumabas na roon.

"Saan na tayo?" Seline asked. 

"Ayoko pang umuwi," si Laurine sa boring na tono.

"Tarang maggala!" yaya ni Gayle.

"Tara! Wala naman gagawin sa bahay," I said.

Napagdesisyonan namin na kumain muna kaya nagtungo kami sa pinakamalapit na mall. Sa isang Filipino Restaurant kami pumasok at um-order. Nagkukwentuhan kami habang nag-iintay ng order at nang dumating, mabilis namin iyong inumpisan na kainin.

Nang matapos, nagpagpasyahan na lang namin na rito tumambay at gumala. Nag-stay kami hanggang alas kwatro ng hapon at umuwi na rin nang makaramdaman ng pagod.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon