Chapter 29
Hindi ako umalis sa aking pwesto. Nagyaya sina Laurine na maggala dahil wala na raw magandang laro na panonoorin. Mga nakakaboring na raw. Hindi na ako sumama sa kanila dahil bukod sa wala nga akong gana, naiinis pa rin ako sa ginawa ni Seline.
Hindi ko nga alam dito sa katabi ko kung bakit hindi rin siya sumama roon sa dalawa na maggala. I focus my attention on the game that I'm playing on my phone.
Minutes passed when I felt someone nudged me. Hindi ko iyon pinansin at nagtuloy-tuloy pa rin sa paglalaro.
Muli akong nakaramdam ng pagsiko sa aking braso, ilang minuto ang lumipas. Gaya ng kanina, muli ko iyong hindi pinansin. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang pagsagi sa braso ko.
Nakaramdam ako ng inis. Kanina ko pa alam na si Seline ang sumisiko sa akin. Hindi ko alam ngunit wala talaga ako sa mood ngayon na kausapin siya.
Tumigil siya sa pagsiko. Siguro'y napagod na.
"Woy!" she poked me. Hindi pa nakuntento at tiningnan ako, bahagyang inilalapit ang mukha sa akin.
"Hoy, Apple!" kulit niya.
I ignored her. Alam kong alam niya na kapag inis ako, inis ako. Kapag galit ako, galit ako. At hindi talaga kita papansinin kahit anong kulit mo sa 'kin.
"Sorry na!" she apologized and smiled at me. Hindi ako umimik.
I looked at her. Poker face. She stared at me.
"Sorry na, uy!" this time, I felt how sincere she was.
Hindi lang sa tono ng boses niya ko iyon nahalata. Kun'di pati na rin sa kanyang mga mata. Bawat bigkas niya ng salita habang nakatingin sa akin, puno iyon ng paumanhin at sinseridad.
"Alam kong galit ka kaya sorry na. Ha?!" she said like a kid. "Hindi ko naman sinasadya. Kilala mo naman ako 'di ba? Mahilig magbiro. E, bigla kong nakita si John kaya iyon. Alam ko naman na may mali ako kaya sorry na talaga. Pasensya na!" mahaba, sinsero at may pagkabata niyang paliwanag habang nakatitig pa rin sa akin.
Naiinis pa rin ako. Ewan ko ba! Hindi kasi ako ang tipo ng tao na madaling suyuin. Pero dahil sa hitsura niya, parang gusto ko nang matawa.
Tumango lang ako at ganoon lumipas ang mga sumunod na araw.
"Anong meron?" si Gayle.
Kanina pa sila nagkukwentuhan samantalang ako'y nasa sulok, nagse-cellphone at hindi nakikisali sa kanila.
I stopped scrolling through my phone and looked at them. Nakalapit na sila at nag-iintay ang expression.
"Wala!" simple kong sagot. Kahit mayroon naman talaga.
They sighed heavily na para bang nabunutan ng tinik.
"Eh, bakit ganyan ka? Kung walang problema. Hindi ka na mas'yadong nagsasa-sama sa amin," matamlay at malungkot ang tono ng boses ni Seline.
Tumingin ako sa kanya at umiling. "Wala nga! Ang kulit nito," sagot ko.
Wala akong lakas ng loob ngayon na pag-upasan ito.
"Sabi mo 'yan, ha?" paninigurado niya.
Tumango ako.
Uwian nang sabay-sabay ulit kami na naglakad ngunit ganoon pa rin. Kung tahimik ako, mas lalo pa akong tumahimik na kahit isinasali na nila ako sa usapan at minsan tinatanong, tipid lang ang sagot ko.
This past few days, pakiramdam ko may nagbago. Hindi ko alam kung ano pero parang naa-out of place na ako sa kanila. Iyong tipong parang may alam silang 'di ko alam. Hindi ko maipaliwanag. Kaya tuloy imbes na makipag-usap sa kanila, minabuti ko na lang na maging mag-isa. Iyong kahit kasama ko sila, pipiliin kong nanahimik at h'wag umimik.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...