SAN 10

472 15 0
                                    

Chapter 10

Nakipagsiksikan kami sa ibang estudyante na gustong mauna sa paglabas. Sa sobrang siksikan, ni-hindi na ako nakakapaglakad ng maayos dahil nadadala na ako. Kaming mga babae ng boys.

Ang sikip pero ang saya. Iyong kahit na nagtutulakan na ang iba at nadadala ka, imbes na inis at galit ang maramdaman, mas nangingibabaw ang saya at tuwa.

Muntik na nga akong matapilok. Buti na lang at napahawak ako sa balikat nang nasa unahan ko bilang suporta.

Nang makalabas na kami mula sa covert court, medyo lumuwag na. Nakita ko ang mga hitsura ng aking mga kasama. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa. Napalakas pa ata iyon dahil tumingin ang iba sa akin. Napapahiyang ngiti naman ang iginawad ko sa kanila.

Paano ba naman kasing hindi ka matatawa. Parang mga kagagaling lang nila sa away o kaya naman, mga babagong gising. Magulo ang kanilang mga buhok na kanina'y ayos na ayos. Mga sobrang hinihingal, kasama na ako roon. And last, sobrang pawis na pawis na sila.

Bigla ko tuloy naisip kung anong histura ko. Kung sila kahit magugulo ang mga buhok at pawis na pawis, hindi pa rin maitatanggi ang kanilang mga kagwapuhan. Samantalang ako, hindi ko alam kung mukha na ba akong luka or what.

Pasimple kong inayos ang naka ponytail kong buhok. Pinunasan ko rin ng panyo ang pawis sa aking mukha. Kahit na mga pawis na pawis, hindi ko maitatangging amoy ko pa rin ang kanilang mga pabango. Ngunit may isang bukod tanging nakakuha ng pang-amoy ko.

The smell of that perfume was really familiar.

Tumingala ako upang makita ang lalaking nasa aking kaliwa. Matangkad ito na umaabot lang ako hanggang sa kanyang leeg. Natigil ang pagpupunas ko sa aking pawis dahil sa lalaking nakaside view na tinitingnan ko ngayon. Medyo may kakapalan ang kilay niya. May tamang haba ng eyelashes. Matangos na ilong. Malalalim na mga mata at higit sa lahat, labing tama lang ang kapal at pagkapula na ngayon ay half open at hinihingal pa.

Abnormal na naman ang heart beat ko. Poutek! Bakit ang gwapo gwapo n'ya? Nasaan ang hustisya?! Hindi ko akalain na talaga pa lang may nag-e-exist na ganito rito at iyong mga nababasa ko sa mga libro na kalimitang description sa mga lalaking bida.

Napabalik ako sa realidad nang bigla itong gumalaw. Inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang baywang. Hindi naman sobrang luwag kaya nadali niya ako ng kaunti dahilan upang magulat ako at mapatingin siya sa akin... hinihingal pa rin.

"Guys ready na. Nahuhuli na tayo," sigaw ng nasa unahan ko. Si Mike pala 'yong sumigaw.

Tumingin ako sa aking likuran. Si Phatrick na hinihingal at nagpupunas ng kanyang pawis ang aking nakita. Si Cris naman ang nasa likuran ni Khyler na aking katabi. Si Khyler ang lalaki na tinutukoy ko. Siya iyong kahit na pawis, sobrang gwapo pa rin. Kanya rin pala iyong pabango na aking naaamoy simula pa kanina hanggang ngayon. Ang bango lang talaga. Kainis, nako-conscious na naman ako sa hitsura ko.

"Let's count one, two, three... then una nating ii-step is 'yong left foot natin. Kaliwa kanan, kaliwa kanan lang!" baritono at may pagkaleader na sabi ng aking katabi, which is si Axl.

Sinang-ayunan naming lahat ang instruction niya. In fairness kay crush pwedeng maging lider. Sabagay, Captain nga pala.

Sinunod namin ang gusto niya at nagsimula na kaming maglakad ng sabay-sabay.

"Kaliwa. Kanan. Kaliwa, kanan, kaliwa..." mahina pero sabay-sabay naming sabi upang hindi mas'yadong marinig ng ibang section. Kung minsan, nagkakatuwaan ang mga boys pero diretso pa rin.

Naging maayos ang aming paglalakad. Buti na lang ina-apply nila ang salitang 'Unity' at 'Sportmanship' sa grupo. Madali kaming nakarating sa first station dahil sa strategy na ginamit namin. May mga naunahan pa kami. Napansin kong ginawa rin ng ibang section ang strategy namin.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon