SAN 12

410 14 0
                                    

Chapter 12


Na-dissapoint ako nang hindi s'ya tumigil sa tabi ko. Bagkus, dumiretso siya roon sa dalawang babae na naka-assign sa last task.

"Okay na?" tanong noong isang babae.

"Okay na," maarteng sabi ni Mike saka ako inakbayang at dinala sa dalawang babae.

Ngumiti iyong dalawang babae sa akin.

"Magboyfriend kayo?" sabay turo nila sa aming dalawa ni Axl. Bahagyang nanlaki ang mata ko.

"Hindi!" tanggi ni Khyler doon sa nagtanong.

"Hindi po," nahihiya kong sagot. Bahagyang napayuko.

Napagkamalan kaming magboyfriend. Hindi ba nila alam na may girlfriend 'to?

Pero sana nga... totoo na lang 'yon. Kinikilig tuloy ako. Narinig ko pa ang tawa noong mga taga-sports.

"May girlfriend 'yan. Taga Ateneo," sabi ni Cris.

Minsan, panira rin 'to!

Okay na e! Ayos na. Pumayag na s'ya. Siya na 'yong magiging partner ko. Napagkamalan pa na kami.

Ang kaso... itinanggi n'ya.

Sakit!

Habang ini-explain sa amin noong dalawang babae ang mga instruction, inaayos naman nang ibang staff ang task na gagawin namin.

May kung anu-ano silang inilalabas galing sa kung saan.

Hindi pa man kumpirmado, malakas ang kutob ko na obstacle ang gagawin namin. Nakita ko kasing may mga inilalabas sila na mga gulong. Mahabang tungtungan pero maliit lang then 'yong ginagamit sa rainbow rack at kung anu-ano pa.

Poutek na last task ito! Ang dami-dami.

Ngayon pa talaga nila naisipan o rito pa talaga nilagay sa last task itong mga 'to. Pahirap sa buhay!

Ang masaklap, ako pa ang naging 'Guest' na gagawa. Okay lang naman sa 'kin. Actually, masaya nga ako na ako 'yong 'guest' dito sa section na 'to. Ang kaso nga lang... kung kailan pa nila naisipan na ako ang gumawa, kung kailan si Axl ang isa sa kasama ko. Correction— si Axl lang pala ang kaisa-isang kasama ko. Siya lang naman ang partner ko sa pinaka last task na gagawin namin.

Sabi na nga ba't obstacle talaga ang gagawin namin. Na-explain na sa amin dalawa ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pinagready na rin kaming dalawa para sa task. Pero hindi naman kami nag-iimikin kung anong strategy ang dapat naming gawin para mapabilis matapos.

Kung ayaw mong makipag-usap, bahala ka! Wish lang nila na magiging mabilis at maayos 'tong matatapos. Ngunit tinitiyak kong hindi magiging madali ito. Dahil si Khyler pa lang, distraction na.

Alam kong dapat, saya at excitement ang maramdaman ko. Ngunit paano ko iyon mararamdaman sa ganitong sitwasyon. Hindi na nga kami close para mag-usap, tapos magiging nakakailang pa 'yong mga gagawin namin.

Nang masigurado na nilang okay at maayos na ang lahat, pinapunta na kami sa starting line. Napansin kong nakakunoot ang noo ni Khyler. He seems like he really doesn't like this game. I think napilitan lang talaga s'ya.

Isang tanong ang ngayon ko lang naisip. Hindi kaya magselos ang girlfriend nito? Well... kung wala naman magvi-video at magsasabi, hindi noon malalaman. Pero sa famous nitong si Khyler, malamang sa malamang, hindi pa man tapos ang task alam na ng girlfriend n'ya. Kaya siguro mukhang badtrip ang isang ito.

Hindi ko naman siguro iyon magiging kasalanan... if mag-away man sila, hindi ba? Pero sana hindi. Dahil kahit crush ko s'ya, ayoko pa rin na ako ang maging dahilan ng away nila.

Wake up, Apple! Nag-a-assume ka na naman.

Nagulat ako nang may inilagay sa tig-isa naming kamay na posas. Kasama raw kasi iyon doon sa twist.

Langyang twist-twist na 'yan! Kanina pa 'yan! Kotang-kota na 'ko.

Sini-set na rin iyong timer. Nang mai-padlock na ng ayos ang posas, instinct na napatingin ako sa aming mga kamay. Na ngayon ay napag-iisa na dahil sa posas. Ang sarap kuhanan ng litrato nito. With a caption, 'Lock together with your hand.'

I also looked at his deep eyes which surprised me because he was already looking at me. Nakakunot nga lang ang noo nito. Kung sa malayo, aakalain mo na normal lang s'yang nakatingin sa akin pero sa ganito kalapit naming dalawa, sure ako na masamang tingin ang ipinupukol niya.

Poutek! Nakakainis.

Bigla ko tuloy naramdaman ngayon ang sobrang kaba. Kung masamang tingin ang ipinapakita niya sa 'kin, wala akong choice kun'di ang irapan siya at tumingin na lang sa dalawang babae na naka-assign.

Aaminin ko na kinilig ako roon. Pero... No way na ipapakita ko sa kanya na naiilang or affected ako sa presence o tingin man lang n'ya. I'm not like his other admirer na sobrang obvious sa pagkacrush sa kanya.

Kuntento na ako ng ganito. Iyong nakikita siya. Sa malayo man o malapit.

Bago pa man kami makapagsimula, mabilis na nagsibalikan ang ibang students sa loob ng gym. Ang iba, tumatakbo. Ang iba, ang bilis ng lakad. Bakit kaya? I guess umuulan na sa labas. Kanina kasi, may pumapatak-patak na.

Nakita ko si Seline na hinihingal at ngiting-ngiti habang naglalakad. May kinukuha pa ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Sinimangutan ko lang siya at napagtanto kong cellphone ang kinuha niya sa kanyang bulsa. Inilabas n'ya ito at ipinakita sa akin ang camera. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ba ako sa idea n'ya na video-han at picture-an kaming dalawa ni Axl. Lalo na at mukhang masama na talaga ang mood nito.

Agad akong napatingin kay Khyler at nakita kong... sa ibang direction s'ya nakatingin. Napabuntong hininga ako ng mahina. Mabuti na lang.

Bakit ba ang tagal naman atang magsimula? Dumarami na ang mga estudyante. Pwede naman sigurong magback-out na lang? Hindi pa naman nag-ii-start e!

Napansin kong halos lahat ng tingin, sa amin na nakatuon. Ano ba 'yan! Bakit ngayon pa? Kung kailan ang dami-dami nang tao. Kung kanina pa siguro sana nagsimula, e'di sana patapos na.

"Okay. Ready na ha?!" naputol ang mga reklamo sa aking utak dahil sa sinabi ni Ate.

Hanggang ngayon, wala pa rin namang imik 'tong kapartner ko. Poutek! Bahala na nga.

Maya-maya pa, narinig ko na ang pagsasabi ni Ate ng word na "Go" saka pinindot ang timer. May narinig pa akong mga tanong, panghihinayang at kung anu-ano pang side comments.

Sorry na lang kayo because today... I'm the Lucky Admirer na kapartner n'ya for this obstacle task.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon