SAN 38

355 11 1
                                    

Chapter 38

On our third year as a college student, nagkaroon ng twist ang pamamalagi namin. Ko. Sa school na 'to.

Ang noon na apat, naging lima ulit. Nakumpleto ang Barkadahan namin dahil sa paglipat ni Pauoline sa school na 'to.

Noong una niyang sinabi sa amin, hindi kami kaagad naniwala. Dahil noon pa man, hindi na siya ganoon nagsasa-sama sa amin. Ngunit ngayon na narito na siya at kasama na namin, sobrang tuwang-tuwa kami.

ECE o Electronics and Communications Engineering ang course niya sa Batangas na rito niya ipagpapatuloy.

Ang buong akala ko na tahimik ang apat na taon ko rito, nagkamali ako. Nagbago ang lahat ng iyon... nang dumating siya.

Unang araw ng pasukan para sa taong ito at iyon agad ang bumungad sa amin. Sa akin.

Nasa food court kami ngayon ng school. Dito namin napagpasyahan na kumain ng lunch dahil tinatamad kaming magluto sa dorm. At para maiba naman. Minsan na lang din kami nakakapagsabay-sabay na kumain ng lunch dahil iba-iba ng schedule.

"May sasabihin kami sa inyo!" bungad ni Seline pagkarating na pagkarating nila ni Laurine. Hinihingal pa siya.

"Ano?" tanong ni Gayle.

"Fresh na fresh," Seline smirked.

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

"Laurine. Ikaw na nga lang ang magsabi," Seline said and sat down on the vacant seat.

Laurine took a deep breath before she turned her eyes to us.

"Si Khyler nagtransfer dito..." she said, almost a whisper.

I was shocked but I controlled myself not to react.

"Eh?" gulat na sabi ni Gayle.

"Oo. Iyon kaya ang trending ngayon dito," si Seline. "Nuh ba 'yan? Parang hindi kayo rito napasok ah!" dagdag niya, nagyayabang.

"Kapal mo! Narinig mo lang din naman sa iba 'yan," mabilis na sagot ni Gayle.

"At least, nauna kong nalaman kaysa sa'yo," laban ni Seline.

"Paano, nahuli kayong pumunta. E, kung ako ang nahuli baka narinig ko na rin 'yan," katwiran ni Gayle.

Magsasalita na sana ulit si Seline ngunit naunahan na siya ni Pauoline

"Bakit daw lumipat?" tanong ni Pauoline sa dalawa.

"Ewan ko!" kibit balikat ni Laurine.

Hindi ko na iyon pinansin. Tumayo na 'ko upang um-order ng lunch. Pagbalik ko, naroon na rin sila at may kanya-kanyang pagkain na.

"Bakit kaya iyon lumipat?" Seline asked while we were eating.

Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman nakakaalam. Halos buong estudyante rito sa food court, iyon ang usapan.

"Hayaan n'yo s'ya," walang interes kong wika.

"Apple, 'kaw ba 'yan?" si Gayle, tila ba nagtataka.

"Crush mo 'yon ah!" si Laurine.

"Si Khyler 'yon!" Seline added.

"Oh, e ano naman?" taka kong tanong.

Their eyes distend.

"Wow ha!" sabay-sabay nilang sabi. Hindi makapaniwala.

Pauoline chuckled.

"Bakit?" I raised a brow and my forehead creased a bit.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon