SAN 32

368 11 0
                                    

Chapter 32

"Ano ga 'to?" eskandalosa ngunit natatawang reklamo ni Seline, habang hinihila ko siya palabas.

May ilan pang estudyante na napatingin sa amin dahil sa lakas ng boses niya.

"Huy!" habol ni Gayle.

"Nang-iiwan ang mga 'to!" kunwaring inis na reklamo ni Laurine nang makalabas na kami. Saka ko lang din binitawan si Seline.

"Si Apple, e!" Seline answered and pointed me. Hindi nakatakas ang mapang-asar niyang ngiti matapos sabihin iyon.

"Ikaw e. Dadaldal ka pa!" sagot ko.

"Anong idadaldal ko?" hamon n'ya.

"Anla! Wala," wika ko at inirapan siya.

Seline laughed at my answer. "Kasi ganito..." she started.

"Anong meron?" Gayle asked curiously.

"Si ano kasi... nandyan din," kwento ni Seline sa dalawa, nambibitin.

"Ha? Sino?" Gayle forehead creased. Naguguluhan sa sinasabi ni Seline.

"Si ano..." sagot ni Seline. Her malicious eyes bore into me.

"Parang tanga. Ayaw pang sabihin," nawawalan na nang pasensya wika ni Laurine.

"Natanga ka tuloy," si Gayle kay Seline.

"Wow ha!" Seline said sarcastically to Laurine.

Laurine smiled cutely on Seline. Seline rolled her eyes playfully.

"Sino nga kasi 'yon?" Laurine asked.

"Si..."

Napatigil si Seline. Mabilis kaming napatingin sa taong dadaan.

"Excuse!" He said in baritone voice.

Naestatwa ako sa kinatatayuan habang gulat na nakatitig sa kanya.

"Ay... sorry!" Seline said apologetically.

Umalis siya sa kinatatayuan upang bigyan ng daan si Khyler. Ganoon din ang ginawa noong dalawa. Hindi agad ako nakagalaw dahilan para bahagya niyang nadali ang balikat ko. I immediately back to my senses and move a bit to give him space.

Nang makalagpas si Khyler sa amin, napatingin kaming apat sa isa't-isa. Binigyan agad nila ako nang pang-asar na ngiti.

"Namumula," si Laurine sa akin.

"Kaya pala!" Gayle said like she realized something.

"Ese naman!" Seline chuckled.

Pigilan ko man, ngunit hindi ko na magawa. Kinikilig akong ngumiti sa kanila bago umirap. Ilang minuto pa, sabay-sabay na kaming natawa.

Lumipas ang mga araw at maaga akong pumasok sa araw na ito. Hindi katulad ng madalas na oras ng aking pagpasok. Madalas ay eight or eight-thirty na ako pumapasok ngunit sa araw na ito, six forty-five pa lang, nandito na 'ko. Ngayon daw kasi ang aming graduation picture.

"Anong oras daw ang grad pic?" tanong ng isa kong kaklase.

"Baka hapon," Laurine answered.

Tumango lang siya at umalis na, lumapit sa iba namin kaklase. Hindi ko na iyon pinansin pa at inabala na lang ang sarili sa pagbabasa ng story sa wattpad.

Nang magbreak, nagyaya si Seline na bumili. Hindi dapat ako sasama ngunit bigla akong nagutom.

Kumakain at nagkukwentuhan kami, nang biglang dumating ang isa naming kaklase. Lumapit ito sa may table namin.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon