Chapter 2
Unang araw ng pasukan, nagmamadali agad akong sumakay ng tricycle patungong school dahil baka malate ako. First day pa naman.
I took a deep breath to calm myself before I opened the door of my new room. Agad akong ginapangan ng kaba at hiya habang papasok sa loob.
Poutek! Wala pa naman akong kakilala rito. Ayoko talaga kapag first day of school. Mas'yadong formal. Tipong bawat kilos mo, alam mong may nagbabantay na mga mata kung saan man.
Unang araw ng pasukan kaya wala pa namang ginagawa, mabilis din natapos ang oras namin. Papunta na kami ngayon ni Seline sa canteen para maglunch. Seline is my bestfriend since Junior high.
"So, anong bibilhin natin?" tanong niya habang tinitingnan namin ang mga menu.
"Hindi ko alam. Ang dami namang nabili," reklamo ko dahil first day nga ngayon, iyong canteen parang palengke sa daming estudyanteng nabili.
"Malamang first day of school!" sarkastikong sagot ni Seline sa aking tabi.
"Alam mo nakakawala ng gana! Tapos thirty minutes lang 'yong break at lunch. Jusko!" wika ko.
"Kaya nga bumili ka na! Kapag hindi ka pa bumili, 'di tayo makakapaglunch," tulak niya sa akin. "Dali! Dami pa namang nabili," habol nitong sabi.
"Oo na, teka lang!" sagot ko at ngumiwi.
Nagsimula akong maglakad papunta sa isa sa mga bilihan. Talaga naman iyong babaeng 'yon. Palibhasa mas matangkad ako sa kanya. Dahil kapag s'ya ang bumili, siguradong mahihirapan s'ya. Siksikan pa naman sa lahat.
Pumili ako ng stall na pagbibilhan.
"Dalawang order nga po ng rice and menudo," sabi ko habang nakikipagsiksikan pa rin.
"Rice and menudo nga," wika ng lalaking nasa likod ko. Napangiwi ako dahil do'n. Nauna kaya ako.
"Sa 'yo Neng?" tanong sa'kin ni Ate'ng tindera.
"Dalawang order po ng rice and menudo ang akin," ulit ko sabay bigay ng bayad kay Ate.
"Sa 'yo?" baling naman ni Ate sa lalaking nasa likod ko.
"Rice and menudo," the guy from my back answered with baritone voice.
Naman, nakakailang!
Hindi pa naman ako sanay kapag may lalaking mas'yadong madikit sa akin. Except lang sa Papa at bunso kong kapatid.
Tumingin ako sa aking wristwatch at nakitang twenty minutes na lang pala, magta-time na. Ang bilis! Pagkatapos kong sumulyap sa aking wristwatch, lumingon ako sa likod para tingnan sana si Seline subalit mabilis akong napahawak sa aking ulo.
Bahagya akong napapikit. Aray ha! Masakit.
"Sorry, Miss!" baritono ang pagkakasabi noon. Parang pamilyar sa 'kin ang boses na iyon.
Nangunot ang noo ko at naamoy ko rin ang pabango noong lalaki. Ang ayoko sa lahat ay ang amoy ng kahit na anong panlalaking pabango. Ultimo ngang si Papa at ang kapatid ko, sinasabihan kong 'wag na lang magpabango sa tuwing naaamoy ko ang panlalaki nilang perfume.
But for the first time, ngayon ko lang ata nagustuhan ang ganoong pabango ng lalaki.
Grabe, ang bango! Alam mong mamahalin.
Naramdaman ko ang pag-atras ng kaunti noong lalaki palikod.
"Neng, ito na ang order mo," biglang sabi ni Ate na nagtitinda.
Tumango ako saka kinuha ang aking order. Kinuha na rin noong lalaki ang order niya at sa daming estudyanteng na-order, bago pa ako makaharap at makaalis doon.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Ficțiune adolescențiBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...