SAN 7

515 12 0
                                    

Chapter 7

Hinila na ako ni Seline at Ana papuntang canteen.

Poutek! Parang ayaw pa tanggapin at i-process ng utak ko kung ano ang nangyari kani-kanina lang.

Pagkaupong pagkaupo ko, saka pa lang nagsink-in sa akin ang lahat. Simula nang niyaya ako ni Seline maglunch hanggang sa kung anong mga 'kahihiyan' ang aking dinanas papunta rito.

"Poutek!" hindi makapaniwala at naipikit ko na lang ang aking dalawang mata habang inilalagay ko ang dalawang palad sa aking mukha.

"Grabe, jusko!"

"Oy!" batok sa 'kin ni Seline. "Ano? Hindi ka pa kakain? Walang balak? Diet lang?! Nakita mo lang 'yong crush mo nawalan ka na ng gana," dire-diretsong sermon na may kasama pang pang-aasar na wika nito.

"Teka lang naman! 'Di pa pwedeng pahinga muna?" pamimiloso ko naman.

"Kanina ka pa nagpapahinga. Kumain ka muna bago mo intindihin 'yang crush mo," mataray na sabi nito.

"Si Khyler agad? Hindi ba pwedeng nagpapahinga nga lang muna!" katwiran ko.

"Sus! 'Wag ako! Si Ana pabalik na samantalang ikaw... hindi ka pa nakakatayo at nakakapili ng lunch mo."

Hindi ko alam kung mas'yado pa rin bang halata na hindi pa rin ako nakakamove-on sa nangyari kanina o dahil mas'yado lang talaga akong kilala ni Seline para hindi makapagsinungaling sa kanya.

"Oo na. Oo na," pagsuko ko sa mga paratang niya. Tumayo na ako at sabay na kaming bumili ni Seline ng pagkain.

"Ah, grabe! Nakita mo, nakita mo 'yon?" masaya kong tanong sa kanila.

"Talagang grabe ka! Nakakagulat ka naman. Ano ba 'yang sinasabi mo ha?" sarkastikong wika ni Seline.

"Ano ka ba naman. Nalimutan mo agad? Ako nga hindi ko malimot-limutan ang nangyari. Nagre-replay sa utak ko lahat," paliwanag ko sa kanya.

Ito namang si Ana, nakikinig lang while eating her lunch. Pasalamat talaga s'ya at may magandang naidulot ang pagtulak niya sa 'kin kanina. Dahil kung hindi, naku... naku lang talaga!

Alam ko namang hindi iyon isang aksidente kasi nafeel ko talagang tinulak niya ako at mukhang sinakto pa talagang makatapat ko si Khyler. Naku talaga!

Pero okay lang, sulit naman.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti kahit sa isipan ko lang.

"Hay na'ko! Iyon ba ang crush mo? Iyon 'yong Khyler?" tanong na naman ni Seline.

"Hindi. Hindi iyon si Khyler, si Renzo 'yon," pamimiloso kong sagot dito. Ang tinutukoy ko ay ang artistang parehas naming crush ni Seline, noon. Pero mukhang crush pa rin ata nito hanggang ngayon.

"Oy, grabe! May crush ka na. Pati ba naman crush ko, aagawin mo rin. Wala namang ganyanan," natatawang biro nito.

Inirapan ko na lang siya. Ilang sandali kaming naging tahimik, pero dahil hindi ko talaga mapigilan ang aking kilig...

"Grabe talaga ang nangyari kanina. Jusko!" hindi makapaniwala ko pa rin na sabi.

"Sobra talaga 'di ba?! Wala bang 'thank you' man lang dyan?" asar ni Ana sa 'kin.

"Thank you ka dyan! Tinulak mo nga ako," nakasimangot kong sagot.

"Pasalamat ka nga at tinulak kita. Kung hindi kita tinulak, e'di sana hindi ka sasaluhin at papansinin ng crush mo. Tapos simpleng 'salamat' o 'di kaya 'Thank you', wala?" Wika nito.

"Oo na. Sige na. Thank you na ng marami," kunwaring napipilitan kong pasasalamat sa kanya, ngumiti pa ako. "Okay na ba? Masaya ka na?"

"Hindi pa. Kulang pa," biro niya.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon