Chapter 3
"Ha?!" napabalik ako sa aking wisyo nang marinig ang boses ni Seline sa aking gilid.
I looked at her. Her forehead creased while she was looking at me with curious eyes.
"S'ya 'yon!" siguradong-sigurado kong sabi.
"Nababaliw ka na naman!" hindi nito pinansin ang sinasabi ko at tinawanan n'ya lang ako.
"Hindi. Promise! S'ya talaga 'yon," pangungumbinsi ko sa kanya. Itinaas ko pa ang aking kanang kamay na parang nangangako.
"Oh, talaga? Sige nga... saan mo nakita?" paghahamon niya.
"S'ya iyong bumangga sa 'kin noong program sa school," sagot ko at nakaramdam ng inis. Naalala ko na naman iyong nangyari noong orientation.
"Program?" napairap ako sa kawalan dahil sa tanong niya. "Ah... grabe ka naman, tanda mo pa?"
"S'yempre naalala ko lang," sagot ko.
"Sus! 'Wag ako Apple!" pang-aasar niya sa 'kin .
"E'di 'wag! Bahala ka sa buhay mo," kunwaring naiinis kong sabi. Binilisan ko ng kaunti ang aking paglalakad.
"Sige, mang-iwan ka! Ganyan ka naman," natatawang sigaw niya. Ramdam kong binilisan din nito ng kaunti ang kanyang paglalakad para makasabay sa 'kin.
"Hindi ako gano'n 'no!" pagtanggi ko. Medyo natatawa.
"Mabuti na lang sa B ako," tumatawang wika niya.
"Dapat sa C ka!" nakangiti kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad.
Ayoko talaga kapag assembly kaya ayoko ng Tuesday. Bukod sa kailangan maaga pumasok... well, I think except na 'yon. Ang pinaka-ayaw ko talaga is 'yong almost one hour kang nakatayo.
Kahit naman siguro sino ay hindi gugustuhin iyon. Nakakangalay kaya. Nakakapanakit pa ng binti at paa.
"Okay students! Can you please sit down," panimula ni Sir Val. Siya ang principal ng Senior High.
Lumingon-lingon ako. Saan naman kaya kami uupo rito? Sa sahig? Ang hirap kaya maupo rito sa sahig ng court tapos nakapalda pa.
Bumuntong hininga ako at naupo na rin dahil nakaupo na ang ibang section.
"Okay, Senior High... aware naman kayo na this coming Friday na ang inyong Acquaintance Party," pag-aanounce muli ni Sir Val.
Nakakabinging sigawan ng mga estudyante ang narinig ko.
"Yes!" nakangiti kong bulong sa sarili.
"I hope, nakaready na ang inyong mga sasayawin," masayang sabi ni Sir.
Mas lalong nagsigawan ang mga estudyante. Sa wakas! After exam, magsasaya na naman.
Nakangiti akong lumingon-lingon sa paligid upang igala ang aking mga mata at makita ang iba't ibang reaksyon ng aking kapwa estudyante. Nahagip ng aking mata si Seline na masayang nakikipagtawanan sa mga kaklase niya. Napangiti rin ako.
Tumingala ako ng tingin at saktong pagtayo ng isang lalaki. Medyo napatulala at bahagyang nanlaki ang aking mga mata dahil sa lalaking nakatayo ngayon. Nagpapagpag ito ng kanyang jogging pants.
Kulang na lang ata, mapanganga ako dahil sa kanya. Wala naman akong pakialam sa mga hitsura ng mga lalaki dati, ah.
Kapag nga magkasama kami ni Seline at bigla niya akong bubulungan na may gwapo, titingnan ko lang. Ganoon lang. Minsan nga, hindi ko na bibigyan ng pansin.
Pasalamat ka na lang kapag tiningnan kita ng matagal dahil baka nakuha mo ang atensyon ko.
Pero itong lalaking nakatayo ngayon at papunta sa may bleacher. Ang bilis mong nakuha ang atensyon ko. Bakit ganoon? Oo, gwapo s'ya pero may iba akong naramdaman. Kapag nakakakita naman ako ng gwapo, hindi naman ganito ang reaksyon ko. Iyong bigla ka na lang kinabahan tapos ang bilis ng tibok ng puso mo.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Roman pour AdolescentsBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...