Kiel's POV
Umaga akong nagising mga 5am palang kase may naririnig akong umiiyak sa kwarto.
Nang buksan kony nakita ko si Thea na umiiyak habang tulog. Siguro masama ang naging panaginip niya.
Agad kong siyang ginising pero bago pa siya magising ay may binanggit siyang pamilyar na pangalan.
Rhian.
Pagtapos niyang banggitin ang pangalang iyon ay bigla siyang nagising.
Parang nahihirapan siyang huminga buti na lang at may tubig siya rito sa kwarto at ayon ang pinainom ko sakanya.
Isang sandali ay bigla niya akong yinakap at di ko namalayan na unti unti ko na rin siyang yinakap.
Habang yakap yakap ko siya ay umiiyak siya.Hinahagod ko yung likod niya para naman icomfort siya.
"Alam mo Kiel sobrang sama nang panaginip ko"sabi niya saakin.
"Hmm ano naman?"curious na tanong ko.
Bago pa niya sabihin kung ano ay may biglang kumatok sa pintuan namin.
Agad akong tumayo at binuksan ang pinto nagulat ako nung makita ko siya.Isang sobrang pamilyar na babae.
Thea's POV
Sobrang sama nang panaginip!Hayst!Nagising na lang ako nang umiiyak!
***In my dreams****
Naglalakad ako sa isang madilim na gubat.Pakiramdam ko na may sumusunod sa akin.Pagtingin ko ay nakita ko ang sariling repleksyon ko.Ako nga ba to?
Nagsalita ang babaeng kamukhang kamukha ko.
"Wag kang matakot sa akin Thea,Ang pangalan ko ay Rhian Marie Gonsales."
Rhian?Narinig ko na ang pangalan na iyan.Teka ayan yung sinabi ni Kiel ah!
"Dati akong kasintahan ni Francis.Ginawa niya rin akong Queen katulad mo.Inalagaan ako na parang rosas.Pero isang iglap na bago ang lahat"halatang lumungkot ang mata niya.Kasintahan pala siya ni Francis noon.
Pero bakit namatay siya.
Tumawa siya nang nakakakilabot. Yung tawang hindi ko nais pakinggan.Para siyang nababaliw.
Bigla siyang huminto sa tawa niya at tumingin sa akin.
Teka biglang nagiiba siya yung kaninang maganda siya ay napalitan nang nasusunog na siya na halos hindi mo na mamukhaan.
Nakakatakot sobra!Naiiyak ako!
"Ngayon kung ayaw mong tumulad sa akin wag kang lalapit sa tatlong magkakapatid na iyon"sabi niya habang nakangisi na parang demonyo.Humakbang siya papalapit sa akin habang ako naman ay lumalayo sa kanya.
Agos nang agos ang luha sa mata ko.Ang tuhod ko ay lubos na nanghihina.
Nahihirapan akong huminga na tila ba ay parang akong dinadaganan ang huling salitang nasabi ko na lang ay pangalan niya.
Rhian
*****End of Dream*****
Rhian Sino ka ba talaga?Bakit kamukhang kamukha kita?
Pagkagising ko ay nasa tabi ko na si Kiel.Teka anong ginagawa niya rito?
Binigyan agad niya aki nang tubig.Agad ko naman iyong ininom.
Niyakap ko agad siya di ko alam kung bakit ko ginawa yun.Iniyak ko lahat sa kanya.
"Alam mo Kiel sobrang sama nang panaginip ko"sabi ko sakanya.Sasabihin ko sa kanya tungkol sa masamang panaginip na iyon.Alam kong kilalang kilala niya si Rhian.
"Hmm ano naman?"tanong niya habang nakakunot ang noo.
Sasabihin ko na dapat sa kanya pero biglang may kumatok sa pintuan.Teka anong oras na ba?Tinignan ko sa orasan.5am palang nang umaga bakit may kumakatok agad?
Agad na tumayo si Kiel at tinignan kung sino ang kumatok sa pinto.
BINABASA MO ANG
Our Mission In Black Wood High
Mystery / ThrillerIsang School na nawawala.Ang BLACK WOOD HIGH ay 100 years nang nawawala.Dating ordinaryong paaralan.Na ngayon ay nababalot na nang kahiwagahan.Maraming haka haka na kaya nawala ito dahil ang school na ito ay may sumpa. Sometimes you SEE, Sometimes...