Mission #4

251 16 0
                                    

Thea's POV

Unti unting lumalapit sa akin yung lalaki.Si kiel naman ay walang pakielam.Tss.Kinakabahan na ako oh!!

"Kung may balak kayong pumasok dyan,Wag na.Mamatay lang kayo"banta niya sa amin.

Tumingin ako kay Kiel.Ngayon na kaharap na siya dun sa lalaki.Tinignan ko naman yung lalaki.

Pero parang gulat na gulat siya nung makita si Mokong siguro natakot kase mukhang shokoy si kiel eh hahahaha!!Tumakbo palayo si Kyah!Anong meron?

"Ba't ganun reaction nun?Hahaha natakot siguro sa mukha mo mukha ka kaseng shokoy haha!Sakit nang tyan ko shet!!"di manlang sumagot si Mokong ay este Kiel.

"Hoy!Seryoso nang face ah!!"kumatok si Kiel sa pinto.

Bumukas ang pinto at may isang babae na nakatayo.

"Uhm.Hi po balak po sana namin nang KAIBIGAN ko na mag enroll dito sa School na to.Tumatanggap pa po ba?hehe"magalang na sabi ko wala man lang reaction ang mukha niya at napatingin siya sa gawi ni Kiel napangiti siya.Anong meron?

"Go to the Dean siya ang magpapasya"sabi nung babae na wala pa atang 30 ang edad siguro mga 27 or 26.

"Wait di po namin alam kung saan yung Dean's Office"sabi ko kay Ate

"Alam na nang kasama mo"sabi niya sa akin humarap ako kay Kiel.Ayun naglalakad na.Di manlang magsabi tss.

"Hoy Kiel! Intayin mo ako! Bwisit ka"hinabol ko siya.Napalingon siya sa akin at ngumisi.

"Bagal mo kase"wth!Shutang inerns!

Tinakbo ko na siya hanggang sa naabot ko siya.Shet! Hingal na hingal ako ah!!

"Hoy pano mo nalaman kung saan ang dean's office ha?!!"sabi ko sa kanya

"The map remember"sabi niya oo nga pala!Tss!

Dumiretso kami sa may Dean's Office.Kumatok muna kami bago pumasok.

Pagpasok namin may nakita kaming lalaking nakaupo sa isang swivel chair.

Umupo kami sa harap niya.

"Bagong salta"sabi niya.

"Hello po pwede po ba kaming mag enroll sa sc---"di ko na natapos yung sasabihin ko kase nagsalita siya.

"Yes,pirmahan niyo lang ang kasunduan na ito"inabot niya ang papel sa amin.Yung dean ay sobrang bata pa siguro kasing edad ko lang siya 18 yrs old.

Wala man lang hinihingi na mga documents ano ganun lang?

Agad ko itong finill upan di ko na binasa yung form kase im lazy.

Pinirmahan na rin ni Kiel pero syempre binasa niya.Bago niya binigay sa Dean ay ngumisi muna siya rito.

Para san yung ngisi?Never mind.

"Ito yung susi niyo sa Dorm at ito yung scedule niyo "binigay niya kay Kiel yung susi.

NYO

NYO

NYO

What!!!!Iisa lang yung kwarto namin.....

Natulala na lang ako babalik lang ako sa huwisyo nang tawagin ako ni Kiel.

"Anong tinatayo tayo mo dyan Thea?"sabi niya. Yumuko na lang ako habang naglalakad palabas nang Office.

"Thea? What a nice name huh"sabi nung Dean.Hindi ko na siya tinignan hinabol ko na lang ulit si Kiel kase baka mawala ako nang di oras dito.

Habang papunta kami sa dorm ni Kiel ay binasa ko yung schedule.

Watdapak!!!Yung oras nang pasok namin is 11pm to 12am.Hating gabi!!Anong klaseng school to!!

May mga nadadaanan kaming mga tao.Mukha naman silang hindi na ngangagat hahah chos.Yung mukha nila parang galit ganun tapos yung iba parang nag aalala yung reaksyon.

Di ko namalayan na andun na pala kami sa dorm.Yung room no.  Namin ay 69.Tss.

Pagbukas ni Mokong nang pintuan makikita mo agad ang sala at isang kwarto mayroon ding isang Cr. Dining room at kitchen.

Mamayang gabi na yung start nang klase namen.May matutunan kaya ako rito?

Dumiretso na ako sa kwarto para ilagay ang mga gamit ko at dumiretso sa kama dahil nakakapagod ang araw na to.

Our Mission In Black Wood HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon