Revenge
Thea's POV
Sa buong maghapon ay wala ako sa aking sarili.Damn you,Kiel!Ano bang ginawa mo?Bakit ako nagkakaganito?!
"Are you okay?"sabi ni Aaron na nasa tabi ko ngayon.Andito kami sa cafeteria dahil nagugutom na naman siya!Wala ata tong kabusugan eh?
"Yes."tipid kong sagot at bumaling sa kabilang mesa.Nakita ko si Amber at mga kaklase niya.
"Bakit parang lutang ka dyan?"sabi niya habang nagiisip kung ano ang oorderin niya.
"W-wala to.Cr lang ako."sabi ko sa kanya at mabilis na tumayo sa kinauupuan ko.
May cr sa loob ng cafeteria kaya doon na lang ako pumunta.Pumasok ako at dumiretso na sa may unang cubicle.Naramdaman kong may pumasok na tao ngunit binalewala ko iyon public cr to eh malamang may papasok talaga duh!
Nagsimula ang maliit at pigil na tawa nang kung sino.Kanino naman kaya ang tawang iyon?Fuck!Nagsimula na rin ang pagpatay sindi ng ilaw kaya nagmadali na kong umihi!
Nang bubuksan ko na ang pinto ay hindi ko ito mabuksan!Fuck,nasa loob ang panglock ng pinto pero bakit ganon,hindi ko mabuksan kahit na inunlock ko na?!What the fuck is happening?
"May tao ba dyan?"sabi ko habang kinakatok ang pintuan!
Walang sumasagot na tao.It means wala talagang tao sa loob kundi ako lang?Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko!Natatakot na ako!
"Tulong!Tulong!Tulong!"sabi ko habang nagdedeliryo pa din!Fuck!Biglang may umusok na kung ano sa paligid kaya nahirapan akong huminga.Bakit ganon?Bat parang ako lang ang tao dito?!San na yung mga tao sa cafeteria?!
Biglang nandilim ang paningin ko.Nahihirapan akong huminga dahil sa kapal ng usok sa loob.Unti unting bumibigat ang mata ko.
"Una palang yan!" sabi ng kung sino.Alam kong malapit lang ito dahil naririnig ko ang mga yapak niya.
"S-sino k-ka?"matamlay na sabi ko at unti unting nawalan na ng malay.
Nang dumilat ang mata ko ay naanig ko ang puting kisame.Asan ako?Nasa langit?Lord wag naman please!
"M-miss kumusta?May masakit ba sayo?"isang hindi pamilyar na boses ang aking narinig.Agad kong inaninag ang kanyang mukha.
"Asan po ako?"sabi ko habang di pa naproproseso ang lahat.
"Nasa clinic ka.Dinala ka ni Kiel dito,wala kang malay at nandoon kapa sa may Cr ng cafeteria.May nakuha ring mga paputok na nasa loob na nag cause ng suffocation mo."paliwanag nito sa akin.
Sino naman kaya ang gagawa nito?Si Rhian?Yung kakambal nya?Pero bakit naman?Naka school uniform ako at may mga benda sa binti.San to galing?
"Dito ka daw muna sa clinic sabi ni Kiel habang iniimbestigahan pa yung insidente."sabi niya at agad na ring umalis sa aking silid.
Patuloy lamang akong nagmamasid sa paligid.Malaki ang kwarto,may tv,ref at syempre aircon.May nakatabi ring mga pagkain sa gilid nang kama.Hindi parin magwaglit sa akin yung nangyari kanina!Sino naman kaya ang may pakana non?
Naramdaman kong may papasok na tao.Gumalaw ang door knob!Hindi ba to marunong kumatok duh!Nang bumukas ang pinto,agad akong nagulat sa nakita ko at kung sino ang nakita ko!
Don't forget to vote,comment & follow me♡
BINABASA MO ANG
Our Mission In Black Wood High
Misteri / ThrillerIsang School na nawawala.Ang BLACK WOOD HIGH ay 100 years nang nawawala.Dating ordinaryong paaralan.Na ngayon ay nababalot na nang kahiwagahan.Maraming haka haka na kaya nawala ito dahil ang school na ito ay may sumpa. Sometimes you SEE, Sometimes...