Chapter 3 : Love At First Match

313 6 0
                                    

                   Chapter 3

            Love At First Match

Red's POV

Wag!

Wag mo syang hiwalayan!

   At umalis na si junknapper, habang naiwang umiiyak si pepper-farts.
  Bigla namang tumingin si pepper-farts sa kin ng masama.  Napaatras naman ako sa pagtingin nya.

"Kasalanan mo to!  Kung hindi ka nagisip ng ganun, edi nagaaral na sana si junkshop ng good manners!"  Sigaw nya sa kin habang nakatingin ng masama at umiiyak.
  "Di ko naman sinasadya!  Di ko alam may effect pala yung naapakan ko."  Iginiit ko naman sa kanya.
  Bigla namang nangitim ang buong mata ni pepper-farts.
"Edi ikaw na lang ang magaral ng good manners!  Kasalanan mo naman ang lahat ng to!"  Sigaw nya ulit na nageechoe pa, habang papalapit  sya sa kin habang nakaangat yung isa nyang kamay na para akong inaabot.
  "Hindi!  Ayoko!  Hindi ko pagaaralan yan!  Pang-kinder lang yan!!"  Sigaw ko habang tuluyan na nya kong hinawakan at hinila papunta sa kawalan.

Napadilat ako agad ng mata.  Pawis na pawis ako at hingal na hingal. Pagtingin ko sa labas, maliwanag na.

Tumingin ako sa orasan ng phone ko.  Alas 6 pa lang ng umaga, seven thirty pa ang pasok ko.  Pero ayoko ng bumalik sa pagkatulog.  Kaya nagunat-unat na lang ako ng buto sa katawan pagkatapos ay naghanda para pumasok tsaka kumain.

Papalabas na sana ako ng gate ng napalingon ako sa may garahe at nakita kong...  Nandun na ang baby ko!  Kaya agad akong tumakbo ng mabilis palapit sa aking pinakaiingatang motor.

Dahil sa pananabik, agad akong sumakay at nagsuot ng helmet at inistart ko ang makina at lumabas muna ko ng gate.  Pagkalabas ko ng gate...

BROOM!!...

Agad kong pinaandar ng mabilis ang motor ko.  Pagdating sa highway medyo binagalan ko naman kasi baka maaksidente pa ko at nagtuloy tuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang makarating ako ng campus.  Pero dahan-dahan na lang akong umaandar at nilalakad ko na papasok ang campus habang nakaupo pa rin ako sa motor dahil sa dami rin ng estudyanteng pumapasok.

Habang pumapasok ako may nakita akong isang babae at isang lalaking naguusap...

"Im sorry, but im breaking up with you."  Sabi nung lalaki.  Agad naman akong nagulat at biglang nakaramdam ng kuryente sa buo kong katawan at biglang nanlamig ang pakiramdam ko.

"Pero bakit?  Why are you doing this?"  Umiiyak na tanong ng babae habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa kanyang mukha habang nakayuko.

Akala ko nakalimutan ko na ang pangyayaring iyon sa isip ko pero hindi pa pala.  Muli lang itong bumabalik at bumabalik, at parang lalo pang nagiging HD sa isip ko ang mga eksena na parang blu-ray movie na sa linaw.

Gustong gusto kong marinig ang sasabihin ng lalaki para malaman kung bakit sya makikipaghiwalay pero dahil sa maraming nakasunod na ibang sasakyan sa likod ko, nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho papunta sa parking lot.

Pagdating ko sa parking lot, ipinark ko na ang motor ko at bumaba na, magtatanggal na rin ako ng helmet ng may marinig akong lalaking nagsasalita.

"I dont wanna do this anymore."  Sabi nung lalaki.  At napalaki ang mata ko sa narinig at ang mga kamay ko ay nakahawak pa rin sa helmet ko na suot-suot pa rin ng ulo ko.

"You should learn from others, goodbye."  Biglang sabi nung lalaki habang papaalis at humihigik lang yung babae sa pagiyak.  Para na kong nabibingi at di ko narinig ng malinaw yung sinabi nung lalaki dahil sa pagiyak nung babae.

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon