Chapter 15
Quarrel
Sheila's POV
Muntik ng magkasuntukan kanina, buti na lang, napigilan ni serra.
"Sheila, Pwede bang magpalit muna tayo?" Magpalit kami ni serra? Ng sinusupport?
"Magpalit? Ikaw na ang magsusupport kay red?" Seryoso sya? Dahil ba sinabi ng jake na yun?
"Oo. Kung ayos lang sayo?" Eh ano pa bang magagawa ko?
"Ah... Si-sige, kung yan ang gusto mo?" Di na rin ako makikipagaway, tutal mas magaling naman na support si serra eh.
"Ayoko!" Ayaw ni red? Eh mas magaling nga magsupport si serra eh!
"Bakit? Dahil ba sinabi sa kin ni summer na isupport kita? Kaya ayaw mo?" Mukhang seryoso na rin si serra! Di ko na to kaya!
"Nagpapauto ka naman sa kanya! Bakit? Magpapasikat ka? Papakita mo na magaling ka pa ring magsupport ng carry para maging maging support ka nya ulit?!! Kung ganon lang naman!! Di ko na kailangan ng pagsusupport mo!" Iritang sabi ni red.
"Kung ayaw mo! Ipakita mong di mo na kailangan ng pagsupport ko!" Tumataas na rin ang boses ni serra, pati si serra nagagalit na! Katapusan na ba namin?
"Talaga! Ipapakita ko sayo! Ipapakita ko sa inyong dalawa! Magsama kayo!" Tumalikod na si red at akmang aalis.
Paalis na sana si red para bumaba, pero nagsalita pa si serra.
"Bakit? Nagseselos ka?" Galit na galit na talaga si serra, pero ang cute nya pa rin tingnan kahit magkasalubong na yung mga kilay nya.
Tumawa naman si red sa sinabi ni serra at tumigil din naman sya agad, bago magsalita.
"Hahaha! Yun ba sa tingin mo? Hindi ko lang kasi akalain na nagpapaloko ka lang sa lalaking yun!" Ang sama na ng aura ni red, pakiramdam ko kaya na nya pumatay ng tao sa itsura ngayon, kahit na gwapo pa rin sya tingnan, mas nangingibabaw yung takot na mararamdaman mo talaga sa kanya.
"Ano bang alam mo tungkol sa kanya? Walang kang karapatang magsalita sa kanya ng ganyan!" Sumisigaw na si serra! Isa pa tong babaeng to! Nakakagulat! Di ko alam na may ganito pala syang side!
"Yun na nga ang punto ko! Matagal na kayong magkakilala, pero di mo alam na matagal ka na rin nyang niloloko!" Nagulat naman si serra sa sinabi ni red, di nya maintindihan kung bakit nasasabi ni red yun tungkol kay jake.
Bumaba na si red para sa next match. Sumunod na rin naman kaming bumaba kasama si serra na galit na galit na kay red dahil sa mga sinasabi nya tungkol kay jake.
Pumasok na kami ulit sa cubicle, at katulad pa rin kanina ang pagkakaupo namin. Nasa magkabilang dulo pa rin sina red at serra, at nasa gitna si rina at katabi ko naman si red na nasa dulong kaliwa at si lyla naman nakatabi kay serra na nasa dulong kanan.
Naglogin na kaming lahat at pumasok sa game lobby, at nagstart na ang game. 1-0 na, kaya dalawang panalo pa ng kalaban at sila na ang champion.
Ganon pa rin ang strategies at roles namin katulad kanina.
Kasama ko na ngayon si red na nasa toplane sa laning phase. Pero di katulad kanina, hinintay na lang ni red ang mga creeps mabawasan ng buhay hanggang sa malapit na itong mamatay tsaka nya lalast-hitin, di na sya nakaauto-attack. At napapagsabay nya ang paglalast hit at ang pagdedeny. Parang pakiramdam ko tuloy wala akong silbi dito. Sagabal lang ako, dahil nakikihati lang ako sa experience na dapat ay kay red lang napupunta para maglevel up sya agad.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...