Chapter 8 : The Eliminations

202 3 0
                                    

                    Chapter 8

              The Eliminations

Glen's POV

Grabe tong si red, kakarating pa lang namin, nambabae agad.  At ayun nga nakaupo na kami lahat sa isang mahabang sofa at nakatingin kami sa kanya ngayon habang nakikipagflirt sa isang babae na lumapit sa kanya.

Pero maya-maya nagbago ang mood ng mukha ng babae na parang nagulat at napahiya.

Kaya ayun, umalis sa sobrang galit sa kanya.  At nakiupo na sya sa amin at parang may hinahanap pa rin.

"Dami chicks ngayon dre no?"  Tanong ko kay red na medyo badtrip ako sa kanya dahil nauna sya sa kin, mambabae!

That should be me!

Flirting with her!

That should be me!

Kissing her neck!

That should be me!

That should be me!

That should be meiiiiihhh!

Napakanta na lang tuloy ako ng that should be me.

Eiggh!  Antagal sumagot nito ah!

"Red, You okay, man?  Kanina ka pa sumisipat sa mga babae ah?  Tanong ko ulit sa kanya.  Pag ito di pa sumagot, ihahagis ko to sa labas.  Joke lang!  Kaibigan ko pa rin yan.

"May hinahanap ako."  Sagot nya habang kung saan-saan pa rin natingin.  Buti naman sumagot, natakot siguro sa banta ko, hahaha!

"Who?  The lucky girl who defeated you last time?"  Tanong ko sa kanya habang ako nakasandal sa inuupuan namin at nakaspread ang mga braso ko sa sandalan ng sofa.

Kumunot lang ang mukha ni red na senyales ng pag-oo nya sa tanong ko.

"Relax dude, makikita mo rin sya!"  Sabi naman ni raven sa kanya.  Habang itong si raven sinasabay ang galaw ng ulo sa beat ng music.

Ako naman ang tumingin-tingin sa paligid at nanipat na rin ng mga babae ng bigla kong maalala yung pinsan ni midsy na sobrang ganda!

"Oo nga pala guys!  Di ba pupunta yung pinsan ni mi-"  Di pa man ako tapos magsalita, binatukan ako nitong si kyle.

"WTF, dude?  Bakit may pagbatok?!"  Sabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa batok ko.

At lumapit pa sya sa kin para bumulong.

"Ang plano.. Nakalimutan mo na ba?"  Bulong lang ni kyle sa kin.  At naalala ko nga pala yung tungkol sa plano.  Bwisit na plano yan!  Di tuloy ako makakadiskarte dun.

Di kaya magalit itong si red, sa min pag nalaman na nya yung plano namin?  Di naman siguro, kasi yung hinahanap nya makikita na nya.  Edi dapat magpasalamat pa sya sa min.

Ang galing ko talaga magisip!  Dapat ginagawa na rin akong kakompitensya ni jamir eh.

Sana lang talaga di magalit ito-- Oh! Sh*t ang hot nitong dumaang babae!  madiskartehan nga!  Glenford bartolome, ipakita mo kung anong kaya mo!

Red's POV

Tumayo agad itong si glen, nang may makita syang babaeng naglakad sa harap namin at nilapitan nya iyon at nakipagusap.

Umandar na naman itong si glen, kaya nga wala ako masyadong aasahan sa kanya sa laro mamaya.

Pero sa aming magkakaibigan si glen ang pinakaclose ko, kaya lang pagdating sa babae nawawala ang concentration nya.

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon