Chapter 12
Potential Suitor
Red's POV
Pabalik na ko sa fiends ng may bumatok sa kin! Pero mahina lang naman yung pagkakabatok.
"Bakit mo ginawa yun!?" Sigaw ko kay rina.
"Eh gusto ko eh! Magpapasalamat sana kami sa ginawa mo kanina pero sinigawan mo ko!"
"Sira! Di ko naman sinabing magpasalamat kayo eh! Kahit sino namang nasa pwesto ko gagawin yun eh, ako ang lalaki kaya dapat ako ang... " Bigla akong napatigil sa sinasabi ko, dahil kakaiba na ang mga ngiti nitong tatlo! Pero si serra tahimik pa rin, kahit na maaliwalas na ang mukha nya di tulad kanina nung naglaban kami, di pa rin sya nagsasalita.
"Ang?..." Di pa rin pala tumitigil tong tatlong to! Nakakaloko yung mga tingin lalo na yung mga ngiti nilang labas gilagid. Sarap basagin ng mga ngipin tapos gawan ko ng pattern yung mga ngipin, yung isa checkered, yung isa stripes, yung isa wavey.
Nagsmirk lang ako at lumihis ng tingin.
"Ano di ka ba sasagot?! Kukutusan kita ulit!" Makasigaw naman tong babaeng to parang di babae. dapat di ko na lang pinagtanggol tong rina na to eh.
"Oo na! Dapat ako ang..."
"Ang...?" Sabay-sabay silang tatlo..
"Magiging.. Tagapagtanggol..."
"Ni...?"
"Ni? Nino?" Tanong ko sa kanilang tatlo?
Tumuro naman si lyla at sinundan na rin nung dalawa ang pagturo kay serra..
"Ni serra?" Pano ko naman gagawin yun? Eh di na nga kami magkakilala eh.
Nagulat naman si serra nung binanggit ko yung pangalan nya, kaya napatalikod sya sa min.
Oh diba? Ayaw nya maging tagapagligtas ko!
"Tama!" Nakakarindi na tong tatlong to ah! Kailangan unison lagi? Di ba pwedeng paisa-isa na lang para parang nageechoe lang?
Lumapit naman sa kin si lyla at bumulong.
"Alam mo kasi.. Approve ka na sa min." Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya nahiya ako, namula ako bigla.
"A-anong ap-prove approve ang sina-sabi nyo?" Kinakabahan na tuloy ako! Di ba nila alam na naririnig nya sila?
"Edi approve na kami sayo para kay serra... " Si lyla na naman yung bumulong pero ngayon, parang nagechoe na yung sinabi nya sa isip ko.
Approve na kami sayo para kay serra!
Approve na kami sayo para kay serra!
Approve na kami sayo para kay serra!
Approve na kami sayo!
Approve na kami sayo!
Approve na kami sayo!
Approve!
Approve!
Approve!
Tumahimik ka nga! Ikaw pala yung nagpapaechoe eh!
Sorry!
Lumapit naman si sheila sa kin, at may sinabi.
"Pero ang sinabi namin ay approve pa lang, okay?" Anong klase yan? Di ko na maintindihan pinagsasabi nitong mga to.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...