Chapter 18
Fight For Her
Jamir's POV
Tinitigan ko si jake ng masama, sinabihan ko rin sya na maguusap kami at di naman sya umalis.
"Anong paguusapan nyo?" Tanong ni raven sa kin.
Itinaas ko yung phone na hawak ko at ipinakita sa kanila.
"Eto ang phone ni red, Kinuha ko to sa kanya kanina kahit ayaw nya ibigay sa kin." Depending in their facial expressions, nagtataka naman sila kung bakit ko yun kinuha. Kaya pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita.
"Dito sa phone na to may recordings sila ng paguusap ni jake, madalas namin tong ginagawa kapag gumagawa kami ng reports at paperworks sa school." Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
"Ito marahil ang dahilan kung bakit galit na galit si red kay jake, pero bago yun. Ito muna ang pakinggan natin." Inilabas ko ang phone ko at pinakita ko rin sa kanila.
"Ito naman nirecord ko nung sinundan ko si red pababa at naabutan ko silang naguusap ni jake sa labas ng cafe." Binuksan ko ang phone ko at ipinlay para iparinig sa kanila.
Voice of red: "Subukan mong galawin si serra! Sinasabi ko sayo! Ako mismo ang babasag dyan sa mukha mo!"
Voice of jake: "Oh sure! Go ahead! Im sure naman ako ang kakampihan ni serenity eh!"
Voice of jake: "So earlier, as I was saying! Ako ang first love ni serenity, and I bet, up until now, she still feels the same way!"
Voice of red: "Wag ka ngang sigurado sa sarili mo! Dalawang taon na kayong di nagkita!"
Voice of jake: "Oh i'm certain! I know serenity very well! And especially, I know how she reacts to the guy she likes!"
Voice of jake: "You know, serenity's hot and sexy, you may not see it, because she always wears dresses that are not so revealing. Kaya since then, I have this urge for her!"
Voice of jake: "This urge kept me itching for a long time, but do you know what makes me go crazy to want her even more?"
Voice of jake: "She's not yet touched. Hehe!"
Voice of red: "Ang lakas naman ng loob mong sabihin yan! HUMANDA KA SA AKIN!!"
Pagkatapos magplay ng recording, binaba ko na ang phone ko.
Habang si serra, gulat na gulat sya sa mga narinig nya, nanlalaki pa ang mga mata nya dahil di makapaniwala.
Napatakbo si rina kay jake.
"Siraulo kang lalake! Kapal ng mukha mo! Dapat sayo pinuputulan! Hayan! Ugh!" Pinagsusuntok nya at pinagsisipa si jake. Habang tumulong na rin si midsy at kinuyog nilang dalawa si jake.
"Walanghiya ka! Kala ko mabait ka! Pinagkatiwalaan kita sa pinsan ko! Yun pala may balak kang babuyin ang pinsan ko! Hayup ka!"
Yung mga teammates ni jake inilayo na sya palabas.
Pero bago sila makalabas, nilapitan ni serra si jake at sinampal!
PAK!!
"Wag na wag ka ng magpapakita sa min!" Bumalik sya kina midsy, at bigla namang bumagsak si serra at hinimatay sya.
"Serra!" Sigaw naming lahat.
Binuhat ko si serra.
"Dito! Dito tayo sa bahay ko! Bilis!"
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...