Red's POV
Ang boring naman! Wala pa kasi si serenity dito. Isa lang tong simpleng birthday party sa harap ng bahay pero ang daming bisita. Halos lahat ng mga business partners ni papa. Kasama yung mga anak nila, mostly babae kaya ayun. Daming nakatingin sa akin. Hoho!
Nakaupo lang ako ngayon sa isang table kung saan nakaupo dapat sila jamir. Pero wala pa kasi sila. Syempre nagsipagsundo sa mga kadates nila yung mga ungas.
"Red! Happy birthday!" May bumati sa akin. Nilingon ko sya.
"Salamat! Woah! Ikaw ba talaga yan? Ibang-iba ka ngayon ah?" At nakipagkamay ako sa kanya. Grabe! May itsura din pala yung kumag na to! Tinatago lang pala nya! Mukhang may kakompitensya na naman si glen. Ay! One woman guy na pala yun.
"Kamusta naman kayo ni serra?" Tanong nya.
"In progress naman. So far so good." Sagot ko naman sa kanya.
"Mabuti! Nirerecord mo pa rin ba yung mga progressions mo katulad ng payo ko?" Tanong nya ulit. At tama! Si ancient people ang kausap ko ngayon. Inimbitahan ko rin sya syempre! Laki kaya ng utang na loob ko dito. At hindi na sya mukhang ancient people ngayon. I'd say he's one of us now. I mean sa looks nya ngayon.
"Oo, Recorded lahat! Every small detail of progression, nakarecord."
"Good! Just keep it up! Malapit ka na!" Papuri pa nya. Malapit na talaga ako. Sana.
"Thanks. How 'bout you? Wala ka pa rin bang nagugustuhan?" Tanong ko sa kanya. Curious lang ako, kung bakit ang isang love expert ay loveless. Get my point?
"Ahahaha, I guess, wala pa kong nakikitang magpapatibok sa puso ko sa unang tingin pa lang." Sagot nya naman. Well, sa akin kasi ganon ang nangyari. When I first saw serenity, It was like, damn! I wanna be with her for a lifetime!
"You mean love at first sight?" Natanong ko. Eh malay ko ba kung iba yung tinutukoy nya. Naninigurado lang.
"Oo, I mean yung when I first see her, it's like damn! I wanna be with her for a lifetime!" Tae! Linya ko yun ah.
"Tama! Ganon din yung nasa isip ko eh. Well, anyway! Maraming guests na single dito so mataas ang chance na malove at first sight ka sa isa mga yan." Sabi ko sa kanya.
"Sana nga." He said with excitement.
"Crimson! Crimson!" It's my mom. Kilala ko kaya ang high pitched voice nyang yun.
At nakita nya kami na kasama si ancient people. Teka di pa namin alam ang tunay nyang pangalan.
"There you are! I've been looking all over for you!" Sabi ni mama. At parang excited pa sya.
"Ma, si gu-" Sh*t! Di ko alam ang real name nya.
"Umm.. Mikael romero po!" Pakilala ni guru kay mama.
"Oh! Isa kang romero. Nice to meet you mikael!" Bati ni mama. Ngumiti na rin naman si mikael. Woah! Di ako sanay.. Ancient people na lang.
"Romeros are famous for their exceptional talent in gardening and landscaping. Naisip ko tuloy ipaayos ang garden namin at ang front yard. Hahaha!" Ayan na naman sya sa tawa nyang malareyna.
"No problem! Sasabihin ko po sa parents ko. Currently po kasi may project sila ngayon sa cebu." Paliwanag naman ni ancient people.
"It's okay, my dear! Anyway! May ipapakilala ako sa inyo! Crimson, remember when I said na may bisita ako from japan? Nandito na sila sa party!" Excited na sinabi ni mama. Ah yung mga japanese people! Good! Andito si ancient people, tapos dadating pa yung japanese people. Anong klaseng people pa ba ang dadating?
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...