Red's POVStart na ng game. Syempre ang ipipick ko ay hard carry para malaman kung sino ang mas magaling na support sa kanila.
Kaya pumili ako ng hero na late gamer. Kaya sa umpisa ng laban, aasa lang ako sa suporta ni miracle.
Nakita ko namang pumick na si miracle ng full support hero.
I'd say na maganda ang pick nya. At magiging maganda ang combination naming dalawa. Pero di rin kami dapat maging kampanteng dalawa dahil maganda rin ang combo nila serenity at mikael.
At nagstart na ang laban.
Start na ng laning phase at only mid ang laban at nakakagulat ang ginagawa ni miracle!
Tinataboy nya yung dalawang herong katapat namin palayo! Aggresive ang play nya kaya madali lang akong nakakapagfarm!
[_Kiseki_: Ako na ang bahala sa kanila... Magfarm ka lang.]
Chat nya sa akin.
Talagang desidido syang ipakita na sya talaga ang mas magaling na support keysa kay serenity.
Sino nga ba ang mas magaling?
Di ko pa madasabi dahil di ko pa nakasama sa lane si serenity.
Malalaman ko mamaya!
Tsk! Kaasar! Bakit sa ganitong sitwasyon pa kami magkakalaro ni serenity!
At katulad nga ng plano namin ni mikael, nakakapagfarm aki ng maayos habang sya ay hirap sa pagiipon.
Minute 10 na at malakas ang item ko. Siguro kung iisipin itong mga items na meron ako mabubuo ko ang mga to sa minute twenty pa kung si glen ang nagsusupport sa kin. Ibang klase talaga si miracle magsupport.
[_Kiseki_: Ikku yo!]
Ibig sabihin nya ay tara na! Handa na syang sumugod! At handang handa na rin ako!
[Crimson|reaper: Hai!]
Umoo naman ako at nauna akong sumugod sa dalawang hero na nasa tower habang si miracle at nakasupport sa kin sa likod ko!
Medyo tumagal din ng ilang segundo ang laban...
Skill dito!
Combo doon!
Stun dito!
Evade doon!
Pero kami pa rin ni miracle ang nanalo!
Waaaah! Grabe! Kinabahan ako dun ah! Kala ko di ako mananalo!
Nasa tore pa tayo ng kalaban nyan!
Keh! Partida pa yan! Ano mikael!
Oi! Kakampi natin yan si mikael! Sumusunod lang sya sa plano!
Ay! Oo nga pala! Naginit kasi ako bigla eh!
[Crimson|reaper: Ang galing mo!]
[_Kiseki_: Arigatou!]
Pasalamat nya sa kin.
Pero nakakahyped talaga yung clash na yun! Parang gusto ko na ngang mapatayo sa upuan ko kanina eh sa sobrang excitement ko!
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...