Red's POV
Papunta ako ngayon sa bahay ni serenity. Di naman sya ganon kalayo mula sa bahay. Di ko akalain na malapit lang pala ang bahay nila sa amin. Dalawang subdivisions lang ang pagitan ng subdivisions na tinitirhan namin.
Syempre, gamit ko na ang sasakyan ko ngayon. At walang kwentong creepypasta o urban legends ni jamir ang makakapigil sa paghatid-sundo ko kay serenity! Kahit anong klaseng nakakatakot na bagay pa ang nasa backseat! Wapakels!
Nakarating na rin naman ako sa address na binigay nya.
Grabe! Bahay ba to? Parang hindi eh. Ang laking mansion naman nito. Dito ba talaga nakatira si serenity?
Chineck ko yung address na binigay nya pero tama naman. Kaya nagbell ako sa gate. May lumabas na isang lalaki na medyo matanda na. Mukhang sya ang butler dito. Pinagbuksan nya rin naman ako ng pinto.
"Kayo po ba si sir crimson?" Tanong nya sa akin.
"O-opo. Ako nga po." Sagot ko naman sa kanya. Grabe sobrang magalang sya. Di ko tuloy alam kung pano makikipagusap sa kanya.
"Pasok po kayo." At pinapasok nya ako. Pinasunod naman nya ako sa kanya at pumasok kami sa loob ng mansion.
Wow! Ang laki ng mansion na to! At ang gaganda ng mga furniture na nandito. Modern contemporary ang style ng mansion na to. Pinaupo nya ako sa may sofa at doon naghintay.
"Dito na lang po kayo maghintay. Tatawagin ko lang po si miss." At umalis sya at umakyat sa taas. Dun siguro ang kwarto ni serenity.
Habang naghihintay ako, may tatlong babaeng nagpunta sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakacasual ang mga suot nila. Kaya di ko alam kung sino sila sa bahay ni serenity. Pero halatang mas matanda sila sa akin ng kaunti.
"Ba-bakit po?" Tanong ko sa kanila. Medyo kinakabahan na ako sa mga titig nila eh.
"Ikaw ba si crimson?" Tanong nung babae one.
"O-opo." Sagot ko naman.
"Gwapo ka naman. Tsaka nakikita kong may katawan ka rin..." Sabi nung babae two habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Magaling ka rin pumorma. At mukha ka ring matalino." Sagot naman nung babae three! Sino ba kayo?! Bakit nyo ba ko kinikilatis? Natatakot na ko!
"Nagaaral ka pa ba? Anong course mo?" Tanong ni babae two. Ngayon naman interview.
"E-engineering..." Nauutal na ko... At palapit sila ng palapit.
"Ilan na ba ang naging girlfriend mo? Sumagot ka ng maayos!" Tanong naman ni babae one na may kasamang pananakot.
"Ah... I-isa pa lang p-po." Bakit ba to nangyayari?!
"Anong nagustuhan mo kay serenity?" Tanong naman ni babae three.
"Ma-marami p-po.." Di ko na kaya to! Waaah!
"Katulad ng ano?" Tanong ulit ni babae three.
"Kaya mo ba syang buhayin?"
"Ano bang pangarap mo?"
"Anong klaseng buhay ang maibibigay mo sa kanya?"
"Kaya mo ba ang responsibilidad?"
Waaah!! Di ko na kaya to! Sobrang pressure na ang nararamdaman ko!
"Ate dianne!" May babaeng boses kaming narinig. Si serenity yun! Help!
Lumingon kami kung saan yung boses nanggaling at nandun nga si serenity na pababa ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...