Chapter 21
Stories Unfold
Red's POV
Andito kami ngayon sa may kusina, nagdecide kami na dito na magpalipas ng gabi dahil sa nangyari. Hating gabi na rin kasi kaya delikado ng umuwi.
Wala na ring tao ang cafe, at kami na lang ang nandito.
Kumakain kami ngayon ng chocolate bread loaf at umiinom ng hot chocolate. Ang sarap kumain lalo na at kasama ko si serenity.
Magkatabi kami ngayon. At magkahati sa isang platito ng tinapay. Habang ang iba, may kanya-kanya ding partners. si jamir at si midsy, syempre. Si kyle at si sheila, malamang. Si glen at si rina, wala ng iba. Si raven at si lyla, tiyak yan. At ako at si serenity, matik! Kahit nasabi ko na kanina. Haha! Painggit lang ako!
"Oo nga pala! Kayong apat na igniting stars? Bakit di nyo sinasama yung isa?" Naisip ni raven magtanong dahil tahimik ang lahat at kumakain. Oo nga no? Mga tanungan din nito ni raven... Mga nakakaintriga.
"Ah yun ba? Kumpleto kaya kami!" Sumagot naman si rina habang kumakain ng tinapay.
"Humm? Apat lang kayo ah?! Asan yung isa?" Si glen naman ang nagtanong. Nagpapapansin lang yan kay rina eh.
"Andito ako!" Ngumiti naman si midsy sa amin habang pinapakilala ang sarili sa amin. Siya? Ibig sabihin, sino yung isang babae?
"Ikaw?!" Si kyle naman ang sunod na nagtanong. Naaalala nya kaya yung usapan nila ni sheila? Parang hindi talaga eh.
"Uhm! Ako nga!" Tumungo pa ng ulo si midsy para sumagot. Inamin mo na nga kanina eh! Diba?
"Sino yung isang babae na naglalaro dati bago si red?" Si jamir naman ang nagtanong. At straight to the point talaga magtanong si jamir. Di katulad nung dalawa, pampahaba lang ng usapan!
"Ah! Syempre, dahil ako ang may-ari ng cafe na ito, na sya namang host ng tournament, syempre di ako pwede sumali. Kaya nag sali na lang kami ng isa pa na mawawala din para palitan ni red!" Paliwanag ni midsy tapos uminom sya sa tasa ni jamir. Ay! Isa lang pala yung tasa nila.
"Ibig sabihin, carry type ang laro mo? Gaano ka naman kalakas?" Ako naman ang nagtanong. Interesado ako dahil baka pwede ko sya makalaban sa susunod.
"Di naman ako ganon kagaling, pero kasi si serra ang nagsusupport sa akin kaya lumalakas ako sa laro, dahil kay serra." Wow! Nagsheshare talaga sila ng tasa ni jamir. Pagkatapos humigop ni midsy, si jamir naman ang humigop. Magaya nga! Pero mamaya na. Hahaha! Magiisip muna ako kung pano gagawin.
"Kung ganon, kung si serenity ang magsusupport sa kin, edi mas lalakas pa ko?" Tumingin naman ako kay serenity at nginitian naman nya ako habang humihigop sya ng kape. Ngumiti din naman ako, kaya namula sya at nabilaukan. Ang cute nya talaga.... Kahit titigan ko na magdamag yung mukha nya... Solved na ako!
"Siguro, kailangan nyo rin muna magsync dalawa." Anong sync sync ang sinasabi ni rina? Magaling ako, magaling din si serenity, oh synchronized na yun.
"Katulad kasi ng nangyari dun sa laban kanina, gumalaw ka lang magisa. Ni hindi mo na kinailangan ng support. At katulad nga kanina bigla-bigla kang sumusugod, at sa ginawa ni sheila, na pilit humahabol sayo. Baka ganon din ang mangyari sa inyo ni serra, kaya kailangan nyo magsync munang dalawa para kahit gumalaw ka magisa makakasabay si serra sayo." May point si rina dun. Siguro mga ilang games kasama sya, magsisync na din kami. Eh bakit? Sync na rin naman ang mga puso namin eh! Boom panes!
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...