Chapter 6
Serenity's Thoughts
Serra's POV
Linggo ng tanghali na, at papunta ako ngayon sa pinsan kong si ate midsy sa may gaming cafe dahil niyaya nya kong kumain kami.
At papagusapan daw namin yung kay... Uhm... Ano... Yung kay... Crimson reaper... At dun sa nalalapit na tournament.
Kakarating ko lang dito sa gaming cafe at uhm... ang pangalan ng cafe ay Lex Tallionis.
Pumasok ako sa loob at nakita ko naman kaagad si ate midsy.
"Ate!" Pasigaw kong sinabi pero mahina lang.
"Hi! Serenity!" Masigla namang bati ni ate midsy sa akin, at tumakbo syang palabas ng counter.
Agad nya kong niyakap sa sobrang tuwa, at ako din naman ay yumakap sa kanya at medyo patalon-talon pa kami habang magkayakap. Nakakatuwa talaga si ate midsy, lagi syang cheerful.
"Kamusta ka na serra, mas lalo kang gumaganda ah?" Pangangamusta ni ate na may kasamang compliment. At nahiya ako sa sinabi ni ate. Masyado kasing direct etong si ate eh.
"Ate naman... Pinapahiya mo na naman ako." Sabi ko sa kanya, habang nakangiti.
"Hahaha! Namumula ka na agad?" Panunukso pa ni ate. Namula na ba ko? kaya napayuko na lang ako sa sobrang hiya.
"Di ka pa rin nagbabago. Tara na nga! Kain muna tayo!" Yaya sa kin ni ate midsy.
Agad naman akong hinila ni ate papunta sa maliit na restobar sa gilid ng cafe.
Umorder naman kami ng makakain. Inorder ni ate ang burger at fries kasama ng softdrinks, at ako naman ay blueberry cake at blueberry juice.
Habang kumakain kami, Pinagusapan namin ang mga pamilya namin at kung sino-sino na ang mga nagsipag-asawa. Bunso kasi ako sa tatlong magkakapatid at lahat kami babae, pero ang dalawa kong kapatid ay mga may asawa na.
"Kung ganon, ikaw na lang pala ang kulang!" Sabi sa kin ni ate midsy na natutuwa.
"Op- Oo, ate pero sabi nila papa, hahayaan lang daw nila akong ako ang pumili ng gustong mapangasawa, pero pag dating ng ikadalawampu't isang kaarawan ko, kailangan ko na din magpakasal." Paliwanag ko kay ate. Na medyo sumimangot ang itsura.
"Oo, at pagdating mo ng twenty one at wala kang nobyo na mapapakasalan, magseset sila ng arranged marriage para sayo." Ipinagpatuloy na ni ate yung pagpapaliwanag ko. Na parang tinatamad.
At tumungo na lang ako na may seryosong mukha bilang pagsang-ayon.
"Kaya nga ako umalis sa amin eh, dahil para sa akin, mahahanap mo ang tunay na pagibig pagdating mo ng twenty five at pataas. Mas gusto ko pang mabuhay magisa, keysa sumunod sa tradisyon natin, kaya nandito ko ngayon nagbibusiness." dagdag pa ni ate, at kaya nga pala sya nandito sa siyudad dahil umalis sya sa kanila dahil ayaw pa nyang magpakasal.
Pinayagan akong magaral dito, dahil nandito naman daw si ate midsy at sya na rin ang magiging guardian ko habang nandito ako.
Dahil sa probinsya kami talaga nakatira, at doon simula pagkabata tinuruan kami kung paano kumilos ang isang tunay na babae, kaya ganito ako ngayon, pero kahit nung una pa lang daw. Likas na rin naman daw ang pagiging mahiyain ko, kaya hindi sila nahirapang turuan ako.
Nagkukwentuhan pa kami ni ate nang napatigil sya. May dumating kasing apat na lalaki na matipuno at makikisig.
"Oy! Jamir! At tatlong itlog!" Tawag ni ate sa kanila. Napangiti naman ako dahil tinawag nyang tatlong itlog yung tatlo sa kanila kahit na magagandang lalaki sila.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...