Chapter 27 : The Chance That Got Away

164 3 0
                                    

                           Chapter 27

            The Chance That Got away

Red's POV

Kausap namin ngayon si midsy dahil sinabi ko na yung totoong pakay namin kay ancient people, at yun nga ay para magpatulong para makapanligaw ako kay serenity.

"Ano?  Nagpapatulong ka kay guru?  Di mo ba kaya magisa?"  Tanong sa akin ni midsy at yung itsura nya ngayon eh parang ang liit kong tao.

"Ha? Oo, expert sya eh.  I need some advices."  Paliwanag ko naman sa kanya.  Habang yung mga kumag kong kaibigan, pinagtatawanan ako habang pinapagalitan ako ni midsy.

"Bakit?!  Di mo ba kayang sabihin sa kanya na "serra gusto kita.  At alam kong gusto mo rin ako!  So tayo na ba?"  Ganon!?  Wala ka pala eh!  Weak!"  Sumisigaw na sya!   Baka ang dami ng nakakarinig!  Kaasar talaga to!

"Wag ka nga sumigaw.  Ang sakit sa tenga!"  Reklamo ko naman.

Ibinaling naman nya ang tingin kay jamir.  Paktay kang labo ka!  Ay malabo nga rin pala mata ko!  Paktay kang under ka!  Hahaha!

"At ikaw naman!  Ang galing mo magpalusot!  Pinagtatakpan mo pa tong taong pula na to!"  Taong pula?  Nakakaloko na tong babaeng to ah!  Naku!  Talaga naman!

"Hi-hindi naman!  Gu-gusto ko lang n-na si red yung mag-sabi sa i-iyo."  Natatakot na agad si jamir?  Ayos ah.  Bakit di nya kaya sampolan si midsy ng evil look nya?  Ay!  Hindi nga pala umeepekto yun.  Baka lalong main-love lang tong si midsy.

"Kahit na!  Di mo pa rin dapat ginagawa yun!"  Ayaw talaga magpatalo.

Kaya sumabat na ako.

"Ginawa lang yun ni jamir dahil gusto nya na ako mismo ang magsabi sayo nun.  Syempre, nung nagtanong ka kanina naglalaro ako kaya di ko masagot yung tanong mo."   Kumalma na rin naman si midsy pagkatapos kong sabihin yun.

Tingnan mo tong babaeng to.  Kanina kulang na lang isumpa si jamir sa galit, tapos ngayon naman kung makayakap kala mo mawawala na si jamir.  Hays...  Mga babae nga naman..  Lakas makamood swing.

Pagkatapos naming mapakalma si midsy umalis na rin naman kami ng cafe, pero nagpaiwan si jamir.  Bahala sila dyan.  Uwian na rin naman eh.  Tapos na rin naman yung pinagusapan namin nung ancient people na yun.

Umuwi na ako para maghanda para bukas.

Kinabukasan....

Eto na yun!  This is it!  Ang araw ng paghuhukom!  Gagawin ko na yung pinapagawa ni ancient people sa akin.  Tanghali na, mga past 1 pm na rin, chineck ko na kagabi ang sched ni serenity at wala na rin naman syang klase after 2 pm.  Kaya naghuddle na kami ulit sa meeting place namin nina ancient people at ng stattrack, dun sa bench sa labas ng building ni ancient people.

"Eto na!  Kailangan pagkalabas ni serra, after ng class nya, lapitan mo na sya at yayain mo."  Sabi naman ni ancient people.

"Eh kayo?  San kayo?"  Tanong ko naman sa kanila.  Natatakot ako magisa eh.

"Nasa likod mo lang kami.  Magmamasid lang sa paligid."  Sagot ni ancient people.  Nasa likod ko naman pala sila eh.  Okay na yun.

Kaya nagabang na kami sa room ni serenity.  At hinintay matapos ang klase nya.

Paglabas ni serenity ng room, lumapit ako sa kanya.

"Serenity!"  Tinawag ko sya at napatingin naman sya sa akin.  Ang ganda ng paglingon nya..  Pwede ireplay?  Dapat pala documented ko lahat ng paguusap namin ni serenity eh.  Hahaha!  Stalker lang itsura ko?

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon