Chapter 34 : Date

103 1 0
                                    

Serenity's POV

Birthday na ni crimson.  Hinihintay ko ngayon sa bahay si crimson kasama yung date nyang si cyril.  Nagtext sya na papunta na daw sila at kasama nga nya si cyril.  Nakakainis sya!  Talagang sinundo nya ko ng kasama nya yung date nya.  At parang saling-pusa lang ako sa magiging date nila.

Wag na lang kaya akong sumama?  Sila naman talaga ang may date eh, date sa araw ng birthday ni crimson.

Tama!  Sasabihin ko na lang sa kanya na hindi ako sasama mamaya pagdating nila.  Maiintindihan naman nila yun.

Knock!  Knock!

"Serenity, nandyan na sa labas si crimson."  Tawag sa akin ni ate quincy.

"Opo.  Lalabas na po ako."  Sabi ko.

"Mauna na kong aalis sayo ah!  May pupuntahan pa kasi ako eh."  Paalam naman sa akin ni ate quincy.

"Sige ate!  Ingat ka ha!"  Paalam ko din sa kanya.

Tinapos ko na ang pagaayos ko at lumabas na ng kwarto.  Nagtext naman bigla si ate quincy.  Binasa ko yung text message.

"Naku!  Serra!  Ang cute ng kadate ni crimson.  Talo ka nya."

Si ate naman eh.  Nangiinis pa.  Okay lang, di naman na ko sasama eh.  Pagbaba ko, sinalubong agad ako nila ate rose.

"Sigurado ka bang sasama ka?  Di na ko boto sa kanya!"  Tanong ni ate mary.

"Eh pano yun?  Dalawa kayong date nya?  Ang kapal naman nya!"  Tanong naman ni ate dianne.

"Wag ka na lang kasing sumama.  Di sya karapat-dapat para sayo."  Sabi naman ni ate rose.

"Mga ate, di na po ako sasama.  Pupuntahan ko lang po sila para sabihin sa kanila."  Sabi ko sa kanila.

"Sige.  Sasamahan ka namin."  Sabi ni ate dianne.

Lumabas kami ng bahay at nakita naming nandun na si crimson sa labas at nakasandal sa kotse nya.

Huminga ako ng malalim tsaka ako lumabas ng gate, pinaghintay ko na lang sila ate sa loob ng gate para masabi ko ng maayos kay crimson yung dapat kong sabihin.

"Hi."  Bati nya sa akin.

"Hi.  Good morning."  Sagot ko naman sa kanya.

"Tara na?"  Yaya nya sa akin.

"Amm..  Crimson, kasi...  Kaya ako nandito kasi...  Sasabihin ko sana sayo na..."

Nakatingin lang sya sa akin.  Mukhang alam na rin naman nya ang gusto kong sabihin.

"Na hindi na ako-"

"Wow!  Ang ganda naman nya!  Mukha syang manika!"

Pinutol ako ng isang boses babae galing sa kotse.

Napatingin kaming dalawa ni red sa may backseat at..  May batang babae?

"Cyril!  Diba sabi ko sayo wag kang dudungaw sa bintana?  Bad yan."  Sabi ni crimson dun sa bata.

"Sorry, kuya red.  Pero may kausap ka kasing manika eh."  Sabi naman nung batang babae.

"Sya ba si..  Cyril?"  Tanong ko sa kanya.

"Oo, sya yung kadate ko ngayon."  Ang laking ngiting sabi ni crimson.

"Ah..  Ganon ba?"  Yun na lang ang nasabi ko.  Dahil ang inaasahan kong kadate nya ay kasing edad namin.

"Bakit?  Akala mo kasing edad natin yung kadate ko?"  Nakangiting tanong ni crimson.

"Ha?  Hi-hindi ah!  Bakit ko naman iisipin yun!"  Taranta kong sabi sa kanya.  Ang bilis naman nyang nabasa yung iniisip ko!

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon