Red's POV
Kinakabahan ako, ano ba dapat kong isagot?
Sumagot ka na lang ng kung ano.
Ano naman kaya?
Sabihin mo naghahanap ka, at mukhang nahanap mo na sya.
Okay! Sige! Sige!
I gave him a smirk before answering.
"I'm still searching for someone. But I think I found her." I answered.
"May we know who that lucky girl is?" Tanong ulit ng emcee. Argh! Daming tanong! At yung mga tanong na hindi dapat itanong ang tinatanong nya!
"For now, let's keep her identity hidden. I will introduce her to you someday." I answered. Phew! Di ko na alam ang isasagot ko kapag nagtanong pa to!
"Haha! Well, lets all give a round of applause for our birthday celebrant! Crimson reyes!" Hays! Buti naman pinakawalan na ko nung emcee. Bumalik na rin ako sa kinauupuan ko.
Here we go again! Balik sa hot seat.
"Red, uhm.. Sino yung babaeng tinutukoy mo? Pwede ko bang malaman?" Pagkaupo ko nagtanong agad si miracle.
"Ah.. Eh.. Si.. Serenity." Sagot ko. Napatingin naman si miracle kay serenity, habang si serenity nakangiti lang habang nanonood sa program. Yung smile nya, parang may pagmamalaki. Kaya sumimangot naman si miracle.
"Ah.. Ganon ba? Nanliligaw ka pa lang naman eh. At mukhang di ka pa naman nya sasagutin." Sagot naman ni miracle. Sumeryoso naman yung mukha ni serenity sa sinabi ni miracle.
Oh f*ck! Nagkakainitan na tong dalawang to... Tumingin ako kila jamir para humingi ng tulong pero todo iwas din sila sa dalawa. Kaya sa mga babae naman ako humingi ng tulong, tumingin ako kay rina at kay midsy.
Tumungo naman sila.
"Serenity! Pwede mo ba kong samahan sa powder room?" Yaya ni midsy kay serenity.
"Ah.. Sige ate.." Pumayag naman sya agad at tumayo silang dalawa.
"Samahan ko na kayo." Sagot ni rina at tumayo na rin sya.
Pamputol lang ng tensyon. Grabe! Pinagpapawisan na ko sa nangyayari! Nakakatakot sila!
Di na rin naman nagsasalita si miracle. Siguro iniisip pa rin nya yung tungkol sa amin ni serenity.
This is war...
Midsy's POV
Kailangang pigilan tong dalawang to. Umiinit na sila masyado. Halata naman kay serra na napipikon na rin sya dahil tumatalim na rin yung mga sinasabi nya dun sa miracle na yun!
Nasa powder room kami ngayon, at sinusubukang bawasan ang tensyon sa kanilang dalawa.
"Serra, kamusta ka?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ate? Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni serra sa akin.
"Ang ibig nyang sabihin, wag mo ng patulan kung ano man yung sinasabi ni miracle sayo." Singit naman ni rina sa amin.
"Wag kayong magalala, ate. Okay lang ako. Hindi ko na rin sya papatulan." Sagot naman ni serra. Huminga kami ng maluwag at nginitian lang kami ni serra. Buti naman at naiintindihan nya kami.
"Ano? Tapos na ba kayong magayos? Tara na!" Yaya ni rina sa amin. Umoo naman kaming dalawa ni serra at lumabas na kami ng powder room.
Pagdating namin sa table namin. Wala si red at si miracle. Nasan yung dalawang yun?
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...