Chapter 5 : First Encounter

303 6 0
                                    

                   Chapter 5

               First Encounter

Red's POV

Linggo na, walang pasok kaya nakasakay ako ngayon sa motor ko dahil papunta ako sa cafe para magpractice at nitong mga nakaraang araw eh ang weird ng mga kaibigan ko.  Dahil nagyaya silang maglaro kasama ko, na hindi naman nila ginagawa dati.

Dati kasi nagkikita-kita lang kami pag-araw na ng tournament.  Pero ngayon, yung captain pa namin ang nagyaya at pumayag pa ang iba.

At kailangan daw talaga naming manalo sa tournament na yun dahil malaki ang prize na makukuha.  Prize?  Kailan pa sila nangailangan ng pera, eh mayayaman yung mga yun eh.  Bawat pamilya nila eh nagmamayari ng mga malalaking kumpanya.  Kung sa akin lang din di naman, di importante yung prize sa kin dahil mayaman din naman ang pamilya ko.  Si papa may-ari ng isang manufacturing company at ang family sa side ni mama naman ay nagmamay-ari ng shipping company.  Kaya kung sa pera lang, di ko naman kailangan.  Di ko lang talaga alam kung bakit nila kailangan yung prize na yun.

Baka nagpustahan sila.

Ano naman kayang pagpupustahan nila?

Malay ko!

Wag na nga lang ako mag isip.

Baka kasi natalo ka ng babae kaya nagalala sila na baka di mo na sila mabuhat sa tournament.

Pwede,  pero kailangan kasama ko sila magpractice?  At dito pa talaga sa cafe.

Pero may kakaiba talaga eh.

Pansin ko nga eh, as in kanina pa nga eh.

Pilosopo?

Shatap!

'Lul!

Lul ka rin!

Shhh!  Andito na ko.

At nakarating na ko sa cafe.  Pinark ko muna yung motor at nagtanggal ng helmet tsaka pumasok ako sa loob, nakita kong nandun na ang mga mokong sa spot namin at naglalaro na,  inikot ko muna ang mata ko dahil wala si midsy sa counter. 

At ayun!  Nakita ko sya!  May kausap syang babae.  Di nya ko makita, dahil nakatalikod sya sa gawi ko, kaya ang nakikita ko ay yung babaeng kausap nya.

Yung itsura nya eh, Nakasuot sya ng dress na kulay pale na purple na my ribbon sa my gawing tagiliran at covered ng nakalaylay na tela  yung balikat nya hanggang taas ng braso nya.  Sa itsura nya, tingin ko mayaman at conservative syang babae.  Mahaba ang buhok nya, hanggang dulo ng likod at sobrang itim, sa tingin ko rin sobrang lambot nun-  Ano? kasama pa ba yun sa description?

Sinama mo eh.

Yung mukha naman nya, round ang shape.  Ang mata nya, may pagkachinita din sya at maganda ang kilay at may kalakihan din yung pupil ng mata nya, parang manika at kumikinang pa kapag ngumingiti sya-- 

Ano?  Tuloy!

Yung ilong naman nya di naman ganon katangos pero matangos pa rin at yung labi nya mapula pula kahit lip gloss lang yata ang nilagay nya at ang ganda nga nya ngumiti,  at sa kada ngiti nya lumalabas yung pagkacute nya dahil sa cheek bones nya, Sa kabuuan, sobrang amo ng mukha nya at the same my pagkaseductive.  Ang cute-

Oo nga...

Diba dapat ikaw ang negative side ko at ako ang positive?

Oo nga...

Eh anong ginagawa mo ngayon?

Nakatitig sa kanya...

Oi ang puso ko!!  Nakakaramdam ng kaba!

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon