Chapter 28 : The Great Plan

153 4 0
                                    

Red's POV

nandito kami ngayon sa labas ng building ng college ni ancient people.  Paguusapan na namin yung tungkol sa nangyari kahapon.

"So, ano?  Natanong mo na ba?"  Tanong ni ancient people.

"Parang..."  Sagot ko sa kanya.  Nagtaka naman sila kung ano ibig sabihin nun.

"Anong parang?"  Tanong nya ulit.

"Parang...   Parang hindi."  Malamya kong sagot sa kanya.

"Come on red!  You still haven't asked her?"  Tanong ni glen.

"Natanong ko naman, kaso hindi direct.  Kaya wala rin akong nakuhang sagot."  Nagkamot pa ko ng ulo habang nagsasalita.

"Kamote!  Dapat dinertso mo na kasi."  Sabi ni kyle.  Kayo kaya sa pwesto ko?

"Ano pala ididiscuss mo, guru?"  Tanong ni raven kay ancient people.

"Ah..  Pampalakas ng loob kay red.  Shiiik!"  Sagot ni ancient people, sabay tingin sa kin.  Pampalakas ng loob?

"Pampalakas ng loob ni red?"  Tanong naman ni jamir.  Kahit si jamir, di nya naintindihan yung sinabi ni ancient people.  At minsan lang mangyari kay jamir yun.

"Oo, ang sole purpose ng pinagawa ko sa iyo kahapon ay para malaman ko kung may gusto ba sya sayo, additional lang yung para maitanong mo na sa kanya kung pwede ka bang manligaw sa kanya."  Yun yung pinakapurpose nun?  kung ganon, inobserbahan nya si serenity kahapon?

"At ano ang resulta?"  Tanong ko sa kanya.  Bigla namang nagbago ang expression ng mukha nya.  Ang pangit-  Naging seryoso pala.  Kaya kinabahan ako sa sasabihin nya.  Mukhang negatibo.  Yung mukha nya mismo yung negatibo-  Yung sasabihin nya pala yung mukhang negatibo.

"She's into you."  Straight nyang sagot.

"Sh*t!  Sabi na nga ba eh!  Wala akong pagasa- "  Inexpect ko na negative ang sasabihin nya, dahil sa mukha nya-  Sa itsura pala ng expression nya.  Kaya nasabi ko na agad yun kahit di ko masyadong naintindihan yung sinabi nya.  Napatigil ako bigla ng napagisip-isip ko yung sinabi nya ulit.

"What?"  Tanong ko ulit.

"May gusto sya sayo,  ayaw mo ng english ha!"  May-gusto... sya sa akin?  I feel like crying right now!  But its too good to be true!

"Pano mo naman nasabi?"  Tanong ni glen.  Aba!  Mukhang mas di sya makapaniwala si glen ah!  Hahaha!

Naglabas sya ng isang maliit na notebook.  At nung binuksan nya yung notebook, may mga nakasulat na events at oras.

"Marami syang signs na pinakita kahapon.  Signs na may gusto sya sa taong kausap nya."  Napangiti naman ako ng malaki dahil ako yung kausap nya kahapon.  Hahaha!

"Signs like what?  Oy red!  Tumigil ka nga sa pagngiti-ngiti mo!"  Nagtanong si glen kay ancient people, tapos lumingon sya sa akin para sitahin ako.  Eh bakit ba?

"Eh bakita ba?  Di ko mapigilan eh!  Kahit pigilin ko lalo lang akong napapangiti."  Sagot ko naman sa kay glen.

Tumingin naman agad si ancient people sa akin.  Tsaka sya nagpaliwanag.

"Kahapon, nung naguusap kayo, panay ang ayos nya ng buhok nya.  Isa yun.  At nung umupo kayo sa may bench kahapon, yung tuhod at yung paa nya ay nakaturo papunta sa direksyon mo red."  Paliwanag nya.   Hahaha!  Nakita ko nga yun kahapon.   Pero di ko lang pinansin.  Kala ko kasi ganon talaga sya.

"At may isa pa, may tanong ako sayo red, napansin mo bang pag di ka nakalingon sa kanya ay nakatingin sya sayo, at kapag lumingon ka na tsaka sya iiwas ng tingin?"  Tanong nya naman sa akin.  Napansin ko nga yun.  At sa totoo lang, lagi nyang ginagawa sa akin yun.

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon