Chapter 37 : Duel

101 2 2
                                    

Serenity's POV

"Serenity!  Hinahamon kita!"

Kakarating ko lang ng campus at saktong nakasalubong ko yung kasayaw ni crimson kagabi.

"Ano bang sinasabi mo?"  Tanong ko sa kanya.

"Hinahamon kita!  Maglaban tayo!"  Hamon nya ulit.

Ang kulit nya.

"Laban?"  Di ko sya maintindihan.  Pero di na ko natutuwa sa ginagawa nya.

"Oo, maglaban tayo kung sa atin ang mas magaling na support para malaman kung sino ang karapat-dapat kay red!"  Sigaw nya.  A-ano?!  Ibig sabihin dadaanin namin sa laro?!

"A-ano?!  Bakit naman ako lalaban sayo?"  Tanong ko sa kanya.  Di ko alam kung bakit bigla syang sumugod sa kin at bigla akong hinamon sa isang laban.

Yumuko sya.  At nanginginig sa galit ang mga kamay nya.

"Kagabi...  ka-gabi...  Umalis ka ng maaga..  At dahil dun...  Umalis si red para sundan ka..  Ang sakit...  Alam mo bang...  Dapat ako ang kasama nya buong gabing yun?  Pero mas pinili ka nya!"  Galit nyang sabi.  Naluluha na sya...

Wala naman akong maisagot sa sinabi nya.

"Anong nangyayari dito?!"  Napalingon ako sa nagsalita.  Si crimson kasama ang fiends pati si mikael.  Kasama din nila sina ate rina.

Napatingin naman ako kaagad kay miracle.

"Gusto kong patunayang mas magaling ako at mas karapat-dapat kesa sa kanya!"  Sigaw nya habang nakaturo sa akin.

"A-ano?  Tigilan nyo na to pwede..."  Pakiusap ni crimson sa amin.

"Ayoko!  Hangga't di ko napapatunayan kung sino ang mas nakakaangat sa aming dalawa!  Di ako titigil!"  Sigaw ni miracle.

Pati si crimson, naguguluhan na sa nangyayari.

"Miracle.."  Tawag ni mikael sa kanya.

Kailangan na naming tapusin to ngayon.  Para di na madamay ang iba.

"Sige!  Mamaya.  Pagkatapos ng klase.  Magkita tayo sa lex tallionis.  Dun natin tapusin to."  Sagot ko kay miracle.

"Serenity..."  Mahinang sabi ni crimson.

"Hayaan mo kaming gawin to...  Habang mas maaga, mas magandang tapusin na namin ang away namin bago pa lumala."  Sagot ko sa kanya.  Di na rin naman sya sumagot.

Nagsalita naman si miracle.

"Papatunayan ko sayong mas magaling ako!"  Sabi nya tsaka sya tumakbo palayo.

Umiiyak sya.  Tiningnan ko lang syang makaalis hanggang mawala na sya sa paningin ko..

"Ayos ka lang serra?"  Pagaalalang tanong ni sheila.

"Ayos lang ako."  Sagot ko naman sa kanya.

Pero bakit kaya?  Bakit nya nagawa yun?  Ano bang nangyari?  Di ko maintindihan.

"Serenity."  Si crimson.  Mukhang nagaalala sya.  At naguguluhan din sya sa nangyayari.

"Okay lang ako.  Mauna na kami.  Pupunta na kami sa klase namin."  Sabi ko sa kanya.  Nakahinga naman sya ng maluwanag.

"Sige."  Tipid nyang sagot.  Kahit sya di nya alam ang nangyayari.

Ano nga bang nangyayari?

____________________________________

Red's POV

"Tsk!  Ano bang nangyari kagabi sa party?"  Tanong ko sa mga mokong.  Lunchbreak na.  Nasa rooftop ako kasama ang fiends at si mikael.

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon