Chapter 7
Hide And Seek
Red's POV
Wednesday na, at after ng classes, dederetso na kami sa lex tallionis. Pero sa ngayon, nandito pa ko sa paborito kong spot sa may rooftop ng school building.
Walang masyadong pumupunta dito dahil masyadong mataas na kailangan mo pang umakyat ng seven floors para makarating dito.
Lunchbreak ngayon kaya nandito ako nakahiga sa dulo ng rooftop at nakaharap ang isang side ko sa rehas ng rooftop at nakasandal ang ulo ko sa isang kamay ko habang nakatukod ang mga siko ko sa sahig.
Magiisang oras na kong nandun nang magdecide na kong umalis. Naglakad ako pababa pero nang makarating ako sa third floor, nakita ko yung babaeng kausap ni midsy nung nakaraang araw. Si binibini.
Nakita ko syang naglalakad papunta sa kabilang dulo ng building, kaya sinundan ko sya.
Pero dahan-dahan lang akong lumalapit at pasimple lang ang lakad ko.
Nakita kong may hawak syang tatlong libro na nasa harapan nya.
Dito kaya sya nagaaral?
Malamang..
Pano mo nasabi?
May hawak na libro eh! Gunggong!
At pumasok sya sa isang room, na nasa dulo ng building. Kaya lumapit pa ko ng konti para alamin kung magkaklase nga ba sya ngayon.
Nagtitip-toe ako palapit sa room, at biglang sumandal sa dingding na parang butiki sa sobrang dikit ko. Buti walang nakakakita sa kin ngayon. Kung hindi kahiya-hiya ako.
Nakarating ako sa gilid ng room kung saan sya pumasok, at sinimplihan ko lang ang pagpihit ng ulo ko para sumilip sa bintana ng room.
Sisilip lang naman ako eh, baka kung normal na klase lang to aalis na ko agad!
Di ko pa lubusang nakikita yung loob ng room nang may tumambad sa harap ko. Yan na nga! Paktay!
"Binibini..." Nabulong ko habang nakatingin ako sa kanya na gulat na gulat.
"Hhmm?" Tanong nya sa akin dahil di nya siguro narinig yung sinabi ko pero nakangiti sya na yung labi lang nya ang binabanat nya. Pero kitang kita yung pagkalabas ng cheekbones nya dahil sa pagngiti nya. Grabe, angelic face lang. This feels like heaven!
Nakatingin lang ako sa kanya nang medyo natawa sya ng konti at tumingin sa itsura ng posisyon ng katawan ko. Yumuko naman ako at napatingin din naman ako sa itsura ko at ayun! Dikit na dikit pa rin ako dun sa dingding na sinasandalan ko habang nakalapat din ang mga kamay ko sa dingding. Ang itsura ko ngayon ay parang si spiderman, na nakakapit sa dingding. Nakakahiya na talaga to. Naramdaman ko na rin na nagiinit ang mukha ko.
Ano? Ganyan ka na lang maghapon?
Teka! Nagiisip ako.
Ano iniisip mo? Sya? Eh nasa harapan mo na sya oh?
Di sya ang iniisip ko, ulul!
Lul ka ba? Parehas lang naman tayo ng iniisip eh!
Ugh! Shatap!
Tumayo na ko ng tuwid at tiningnan ko sya gamit lang ang mata ko.
Asdfghjkl! Nakatingin pa rin sya sa akin at nakangiti pa rin sya.
Para na naman akong nastun, At nakidlatan pa ni zeus na dumaloy sa buong katawan ko. Tapos nasasilence pa ako pag nakatingin sya. Ano na ba nangyayari?
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...