Red's POV
Ito na! Ang araw na sasabihin ko na kay serenity ang lahat-lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Full force ko nang gagawin to. At wala ng back-back pa.
Kinakabahan talaga ako. Sobra ang kabog ng dibdib ko na parang may humahampas sa kin.
Nandito na kami sa katabing building ng library at nagaabang sa may passage ng wall. Inaasahan namin na manggagaling sila serenity sa may harap ng library at lalabas sa may passage kung saan kami nakaabangan. Wala na rin naman sila jamir at kyle dito dahil sinundo na nila sina serenity.
Serra's POV
Kausap namin sina jamir at kyle ngayon. Kasama ko naman si sheila dahil magkaklase kami kanina.
"Serra, may pupuntahan tayo." Sabi ni jamir. Saan naman kaya? Tsaka bakit di nila kasama si crimson?
"Saan naman..?" Tanong ko sa kanya. Siguro may iniutos na naman si ate midsy sa kanya. Si ate talaga...
"May inutos kasi sa akin si midsy, may pinapakuha sya sa may library. Ikaw daw ang gusto nyang maghatid sa kanya nun sa lex tallionis." Sagot naman ni jamir. Tama nga... May inutos ulit si ate kay jamir..
"Pinakiusapan kasi si jamir ni midsy. Eh humingi naman sya ng tulong sa akin.. Eh di ko naman alam din yung pinapahanap sa kanya. Tungkol ata kasi sa business yun. Kaya sabi ko, ikaw na lang din ang lapitan kasi ikaw rin naman ang gusto nyang maghatid sa kanya nun tsaka business admin naman ang course mo, kaya baka alam mo yung pinapahanap nya." Sumingit naman si kyle. Pero napansin kong di sya mapakali. Ano kayang problema?
"Sige." Di na rin naman ako nagatubiling sumama sa kanila. Si kyle naman, kausap nya si sheila. At mukhang sobrang malapit na sila sa isa't-isa. Masaya ako para sa kanila... Pero di ko rin naman maiwasang mainggit... Si crimson kasi... Nagparamdam na naman sya tungkol sa panliligaw nung isang araw. Pero hanggang dun na lang yun. Di ko na tuloy alam kung ano bang nasa isip nya.
Naglakad na lang kami papuntang library...
Glen's POV
Medyo tinatamad ako... Pano ba naman kasi! Yung apat na asungot ang gaganda ng mga role! May initiator, ganker, support tapos may patank-tank pa. Tapos yung sa akin! Ward? Di man lang ako ginawang hero ng guru na to. May walkie talkie naman daw kami. Ano naman? Bakit pa kailangang gumamit nito? Eh may phones naman kami. Basta tinatamad talaga ako.
"Huh?" May napansin kasi akong parating. Ha! Enemy spotted! Sila jamir nandito na! Malayo pa naman sila pero kailangan ko ng ireport.
Kaya niradyohan ko na si guru!
"Come in! Glen to guru! Come in!" Sabi ko kay guru, tsaka ako nagreport.
"Enemy spotted. Target approaching approximately two minutes. All units alert! I repeat! Target approaching approximately two minutes! Over!" Report ko kay guru! Astip ko sa walkie talkie na to! Para akong nasa military nito. Hahaha!
"Tshhiik! Copy that! All units alerted. Over." Oooohh! Nagrespond si guru! Astig! Next time ako ulit ang magwaward! Akin lang tong walkie talkie na to!
"Roger and out! Tsshhiik!" Gusto ko yung sound nitong radio... Tshiiik! Tshiiik!
"Gotta make my escape..." Kaya nagpunta na ako sa position two ko.
Guru's POV
Nakikita ko na sila... Malapit na sila sa passage... Shiiik! Binato ko naman si red para maalarto sila ni raven at maghanda na sa pagdating nila serra.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...