Chapter 16
Sudden Rage
Glen's POV
Ano kaya nangyayari dito kay red?
"Jamir! He surpassed you already!" Alam ko namang alam ni jamir ang ibig kong sabihin sa sinabi ko. Tungkol yun dun sa evil look ni jamir, na nalagpasan na ni red, dahil sobrang nakakatakot na yung aura nya.
"Alam ko, pero di ko alam na may tinatago pala tong si red na ganitong side." Habang nakatingin lang si jamir kay red na hindi makapaniwala sa nakikita nya.
Ang ibig naming sabihin ay yung evil look ni jamir, nalagpasan na ni red. Nakakatakot. Siguro ngayon, nangangatog pa rin ang tuhod nung si jake! Ewan ko na lang kung makapaglaro pa sya ng maayos mamaya.
"Ahahaha! Re-relax lang red! Magsastart na-na rin naman yung next game eh! Dun mo na lang ibuhos lahat! Aha-ha!" Pinipilit ni raven pakalmahin si red pero kahit sya natatakot na rin! Ako kaya? May tinatago din kaya akong aurang ganyan? If i did, that would be cool!
At nagstart na ulit ang next game. Bumaba na kami sa may arena at as usual, nauna na ulit si red sa pagbaba.
Nakapasok na lahat sa cubicles at sa game lobby, At nagstart na ulit ang laro!
Nagbago ang strategy ng stars, magisa na lang si red sa lane nya, habang si sheila nasa middle na kasama si rina. Maganda ang pinapakita ng stars sa middle at bottom lanes pero sa top ang pinakaaabangan!
Habang nanunuod kami, may mga naririnig akong mga comments galing sa mga audience!
"Ang imba naman nyan!" Sabi nung isa.
"Dalawa silang katapat nung crimson|reaper pero kung maglaro yun, parang wala syang katapat ah!" Sabi nung pangalawa.
"Nakakatakot naman maglaro yan! Masyadong imba!" Sabi nung pangatlo!
Grabe nga naman yung ginagawa ni red, parang nung previous lang na game ang laro nya.
Talagang dinominate nya yung dalawang kalaban nya sa taas. Mabilis nakaipon si red, sa sobrang bilis, di na sya nakuntento dun sa dalawang heroes sa top at nagikot-ikot na sya sa buong mapa para pumatay ng pumatay! Tinapos nya agad ang laban, sa loob ng minute eighteen dahil sinamahan na sya ng stars sa pagpupush habang si red ang pumapatay ng pumapatay sa kalaban.
Pagkatapos ng laban, umakyat kaming lahat papunta sa lounge, at nauna pa rin si red sa pagakyat sa min. Pagdating namin sa lounge, nakita na namin si red na nakaupo na sa may sofa na nakatiklop ang mga braso sa tapat ng dibdib nya, habang magkapatong ang dalawang hita nya.
"Red!" Tumawag si midsy kay red at tumingin naman si red kay midsy na may nakakatakot pa rin na titig!
"Kung may sasabihin ka sa kin tungkol sa kanilang dalawa na naman, wag mo nang ituloy." Mahina lang ang pagkakasabi ni red kay midsy, pero sakto lang din na matakot pa rin sya sa kanya.
"Hi-hindi, kasi I just want to apologize to you about what I said lately." Tumungo naman si midsy at humingi ng pasensya sa kanya.
Wala namang reaksyon si red sa ginawa ni midsy.
"Wala ka namang kasalanan, di yun yung kinagagalit ko. Kaya wag ka na magapologize." Kalmado lang na nagsalita si red. Mukhang di nga yun yung dahilan kung bakit ganito si red. Bakit nga kaya bigla na lang syang nagbago, di naman magiging ganyan yan si red kahit asarin pa sya ni midsy ng todo.
"Ga-ganon ba, pero nagi-guilty ako eh, mas okay ng magsorry.. Kaya sorry ulit!" Giit naman ni midsy kaya red.
"Fine. Apology accepted." Lumihis naman ng tingin si red pagkatapos nya tanggapin ang apology ni midsy.
"Thank you red! Now I feel relieved!" Masayang tumakbo paalis si midsy para tumabi naman kay jamir. Para namang nakahinga ng maluwag si jamir sa nangyari. Nakapalibot pa rin kami kay red na nakaupo sa sofa.
"May isang panalo na lang ang kailangan, at champion na tayo." Mukhang fired up na tong si rina! Tsaka mas lalong gumaganda si rina kapag naeexcite sya. Ong gondo! Makadiskarte nga! Hahaha! Kaso warfreak, baka ma-under din ako sa kanya pagnagkataon.
Sabagay mas type ko yung mga katulad nya. Ayoko rin naman yung mga paeasy-to-get na babae. Gusto ko yung mga tipong papahirapan ako sa pagsuyo sa kanila, at sa tingin ko, RINA IS THE ONE!
So, should I go for it? No! I must!
"magchicheer kami para sa inyo hanggang maubos ang boses namin! Rina!" Tumingin naman si rina sa kin at ngumiti!
"Salamat!" Wohohoho! Ong gondo tologo! Kahit salamat ang sinabi nya sa kin, parang 'I love you too' naman sa pandinig ko! Wahahaha! Ang landi kong lalaki! Tengene!
"Si serra pala?" Ha? Oo nga no! Wala dito si serra. Nasaan kaya sya buti napansin ni raven!
"Sabi nya sa kin, kakausapin nya lang daw si jake para magsorry sa ginawa ni red.." Sinabihan naman pala tong si lyla eh, at magsosorry sa ginawa ni red? Eh dapat nga sya yung magsorry kay red! Malamang kaya naginit ang ulo ni red dahil sa mga pangaasar ni jake kay red! Kaya di dapat nagsorry si serra sa jake na yun! No!
"Nagpapauto na naman pala sya." Bulong lang ni red, na parang nasaniban na naman ng masamang espiritu!
"Wag mo na lang kasing patulan yung si jake! Takot na rin naman sya sayo eh!" Buti sinusubukan ni kyle pakalmahin si red. Tsaka di na sya hyper ngayon di tulad kanina. Speaking of kanina, alam nya rin kayang pumayag syang makipagdate kay sheila? Malamang di nya naaalala yun. masyado syang hyped kanina!
Siguradong gagawan nya ng cinematics yung laban na yun ni red kanina, ganyan naman yan eh. Pag nakakita ng magandang laban, gagawan nya ng cinematics yung laban.
Nakita naman naming umakyat na si serra. Pero tumayo si red at umalis bumaba.
"Red! San ka pupunta?" Pero di man lang nya ko nilingon para sagutin yung tanong ko! Loko to! He ignored me completely! D*mn you red!
Kala mo susundan kita! No! Ewan ko lang kung may gustong sumunod sayo?! Bukod sa kin?! Wala!
"Susundan ko sya." Ho? Ang bilis ah! Nagpresenta agad si jamir at umalis na para sumunod kay red! Wag mo syang sundan! Mamili ka saming dalawa! Ako o si red?! Malamang si red kasi nakababa ka na eh!
Jamir's POV
Hinahabol ko ngayon si red sa baba, Nakita kong lumabas sya ng cafe kaya sumunod ako.
Iniisip ko pa rin ngayon kung bakit bilang nagkaroon ng sudden rages itong si red, I don't see any reasons for him to do those things. But I have some speculations na si jake ang main reason kung bakit ganon si red, pero hindi yun yung dahil inasar sya ni jake. That's just the cover up! Red would never lose his sanity over some low-level trashtalks. Sure, he'll get pissed. But to make him gone mad and enraged and make him look like he could kill. It's a different story, There's a deeper hole in this mystery.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...