Red's POV
Birthday ko na next week... Syempre alam na ng lahat yun.. Kasi inimbitahan ko na sila at pati na rin si serenity... Isang linggo ko na rin pala syang nililigawan at so far, progressive naman yung mga ginagawa ko.
Sabado ngayon at walang pasok si serenity, pero mamaya nandun naman sya sa lex tallionis. At maglalaro na kami ni serenity ng magkacombo.
Papunta ako ngayon sa rooftop para tumambay at makipagkita sa stattrack para pagusapan ang birthday ko next week.
Habang papunta ako, may nararamdaman na naman akong kakaiba. Parang may nakatingin na naman sa akin. Kaya agad ko syang hinanap.
Nakita ko yung babaeng yun na naman na nakasilay na naman at ngayon medyo malayo na sya. Siguro kasi napapansin ko na sya lagi. Di ko rin naman sya mamukhaan dahil na rin sa labo ng mata ko.
"Sya na naman.." Inis kong sabi. Minsan gusto ko na syang lapitan at tanungin kung bakit nya ginagawa yun pero ang bilis nya mawala tuwing susubukan kong lumapit sa kanya... Kaasar lang!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa main building at umakyat papuntang rooftop.
Yung babaeng yun naman, nakasunod pa rin... Nakakairita! Para syang stalker.. Hindi! Stalker talaga sya..
Pero ang napansin ko, kapag kasama ko si serenity di ko sya nakikita o baka naman kasi wala akong ibang mapansin kundi si serenity lang kaya di ko sya napapansin. O talagang wala sya?
Nakarating na ko ng rooftop, di na rin sumunod yung babae. Nandun na rin ang buong stattrack.
"Hey red! Where have you been?" Tanong ni glen.
"Ah... Sa klase ko kanina.."
"What's with your aura?" Tanong nya ulit.
"May sumusunod sa akin eh..." Sagot ko.
"What? Who?" Tae! Kumakain kasi tong mokong na to eh! Kaya parang tanga lang magtanong.
"Di ko kilala, pero babae yung sumusunod sa akin." Sagot ko at umupo na ko sa tabi nila.
"Since when? At anong itsura nung babae?" Tanong ni kyle.
"Last week. Di ko alam eh, nakatago sya lagi at sa tuwing lalapitan ko sya, kumakaripas naman sya ng takbo." Sagot ko kay kyle.
"Edi hulihin natin." Sabat ni raven.
"Hala! Si raven! Sumabat! Sa wakas! Nakikinig sya sa usapan natin!" Loko-loko si kyle. Nagpupunyagi ang itsura.
"Siraulo!" Sigaw ni raven.
"Pero maganda yung sinabi ni raven." Sagot ni jamir.
"Kahit pa babae yan, delikado pa rin na hayaan lang natin syang magmasid sayo sa malayo dahil di natin alam ang intensyon nya." Dagdag pa nya. Tama naman sya eh. Mas magandang hulihin namin sya. Baka hitman pala yung babaeng yun. Di natin alam baka patayin ako nun.
"Okay! So let's do, operation slenderwoman!" Sigaw ni glen.
"Slenderwoman?" Tanong ko.
"Eh diba nga? Yung kwento ni jamir, na si slenderman, yung lalaking nakasuit na matangkad na walang mukha na nakatayo at nakatingin lang sayo. Para kasi syang ganon eh." Sagot naman nya. Sh*t naman glen! What the heck?! Naisip ko tuloy na si slenderman ang nagmamasid sa akin lagi! Sh*t! Pano pag sa gabi? Tapos magisa akong naglalakad? Baka kunin nya ko!
------------------------------------------------------
Pagkalipas ng dalawang oras, nagkita-kita kami ulit para hulihin si slenderwoman para malaman kung sino ba sya.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...